OPISYAL nang nakahanap ng bagong tahanan si Ivy Lacsina.
Inanunsiyo nitong Biyernes ng Chamelons ang pagpirma ni Lacsina sa koponan.
Makaraang ipakita ang kanyang ‘adaptability’ sa paglipat mula sa middle blocker sa wing spiker sa nakaraang season, inaasahang palalakasin ni Lacsina ang roster ng youthful Chameleons.
Tinapos ng koponan ang PVL Second All-Filipino Conference sa ninth place na may 4-7 record.
Ibinahagi ng Nxled ang kapana-panabik na balita sa kanilang Facebook page sa pagsasabing, “Welcome to the Nxled Chameleons, Ivy Lacsina! When we promised to elevate our game next season, this is precisely what we had in mind. Let’s kick off this journey together.”
Muling makakasama ng dating UAAP champion ang kanyang college teammate na si Camille Kal, at makikipagsanib-puwersa kina Lycha Ebon, Jho Maraguinot, Krich Macaslang, May Luna, at Dani Ravena.
Nauna na ring pumirma si Dawn Macandili, ang teammate ni Lacsina sa now-defunct F2 Logistics squad, sa Cignal HD Spikers.