IPINAMALAS ni Isa Molde at ng kanyang mga kasamahan sa University of the Philippines ang kanilang lakas nang igupo ang University of Perpetual Help, 25-10, 25-12, 25-23 sa Premiere Volleyball League Season 2 Collegiate Conference Women’s Division kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Humataw si Molde ng double-digits at ang buong Lady Maroon ay nag-ambag upang maitala ang panalo.
Umiskor ang incoming third-year spiker ng 14 points, walo ay mula sa kills at tig-tatlo sa blocks at aces.
Nakatulong din siya sa depensa sa pagtala ng walong digs upang tiyakin na magiging mainit ang simula ng State U sa conference.
Pitong players ng UP ang nag-ambag ng apat hanggang pitong puntos at sinamantala ang matamlay na paglalaro ng katunggali na gumawa ng 24 er-rors.
Nanguna naman para sa Lady Altas si Jowie Verzosa na may 7 points. Nanatiling walang panalo ang Perpetual.
Comments are closed.