PVL: LADY REALTORS NAKAISA

pvl

NAITALA ng Sta. Lucia ang kanilang unang panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference matapos ang straight sets win kontra PLDT Home Fibr, 25-18, 25-19, 25-21, kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacar-ra, Ilocos Norte.

Bumawi ang Sta. Lucia mula sa four-set loss sa defending champion Creamline noong Sabado, ang opening day ng kau-na-unahang  professional volleyball league sa bansa.

Nanguna si veteran  middle blocker Mika Reyes para sa Lady Realtors na may 11 points sa 9  attacks, 1 block, at 1service ace. Nagtala si MJ Phillips ng 14 points, kabilang ang limang blocks, habang nagdagdag si Dell Palomata ng 12 points sa 9 kills at 2  rejections.

Nalusutan ng Sta. Lucia ang mabagal na simula upang kunin ang opening set. Nahirapan ang PLDT sa kanilang reception, lalo na noong nasa service line si veteran setter Rubie de Leon.

Sa second set ay sinamantala ng Lady Realtors ang attack errors nina Isa Molde at Toni Rose Basas upang basagin ang 10-all deadlock at kinontrol ang frame.

Nalasap ng  PLDT ang ikalawang sunod na pagkabigo matapos na matalo sa Chery Tiggo sa straight sets noong Sabado.

Nagbida si Molde para sa PLDT na may 11 points, subalit sablay ang kanilang opensa kung saan gumawa lamang sila ng 35 attacks laban sa 49 ng Sta. Lucia.

Kumana rin ang Lady Realtors ng 10 kill blocks kontra isa lamang ng Fibr Hitters.

5 thoughts on “PVL: LADY REALTORS NAKAISA”

  1. 900023 159308Fantastic paintings! This really is the kind of information that ought to be shared around the internet. Disgrace on Google for now not positioning this publish upper! Come on over and speak more than with my website . Thanks =) 247572

  2. 4114 456990Excellent publish from specialist also it will probably be a wonderful know how to me and thanks very significantly for posting this beneficial data with us all. 569539

Comments are closed.