Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
Collegiate
8 a.m. – LPU vs Arellano
10 a.m. – SSC-R vs Ateneo
12 noon – Adamson vs Perpetual
Open
4 p.m. – Chef’s Classic vs Choco Mucho
6 p.m. – Creamline vs PetroGazz
MAKARAANG maghabol ng dalawang sets ay naging matatag ang Pacifictown-Army upang maitakas ang 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12 panalo laban sa Choco Mucho sa PVL Open Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nanaig ang lakas ng Lady Troopers laban sa bata subalit hindi pa subok na Flying Titans sa two-hour, 46-minute contest – ang pinakamahaba sa three-year old league.
“Padamihan na lang kami ng bala. So hanggang sa dulo, pumuputok kami,” wika ni Pacifictown-Army coach Kungfu Reyes.
“Sumabay kami noong una, talagang nakipagpukpukan kami pero kita mo naman, naipakita naman nila na kaya nilang makipagsabayan sa kanila. Breaks of the game lang,” sabi pa ni Reyes.
Muling pinatunayan ni Jovelyn Gonzaga ang pagiging isang big-time player para sa Reinforced Conference bronze medalists sa kinamadang 24 points, 26 digs at 16 receptions.
Kumana ang Lady Troopers ng 11 service aces, habang nagtala sina Mary Jean Balse-Pabayo at setter Alina Bicar ng tig-2
Nagdagdag si Tubino ng 19 points at gumawa si Nene Bautista ng 13 hits para sa Pacifictown-Army.
Nanguna si Kat Tolentino para sa Choco Mucho, na bumagsak sa 1-1 kartada, na may 23 points, kabilang ang tatlong blocks, habang nag-ambag si Maddie Madayag ng 15 points.
Umangat ang Lady Troopers sa 2-0 kartada, sa likod ng nangungunang Creamline na may 3-0.
Comments are closed.