Mga laro bukas:
(Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. – Chery Tiggo vs Farm Fresh
5 p.m. – F2 Logistics vs Akari
7 p.m. – Petro Gazz vs Galeries
WINALIS ng NXLED ang Gerflor, 25-18, 25-14, 25-19, para sa mainit na simula sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Araneta Coliseum.
Umaasa si Japanese coach Taka Minowa na ang straight-set win ay magpapalakas sa Chameleons, na ipinaparada ang pinagsamang seasoned campaigners at rising stars, sa kanilang debut conference.
“Our target is everyone playing inside the court and we did it. We also focused on blocking and more catching and kill points,” sabi ni Minowa, asawa ni dating league MVP Jaja Santiago makaraang malusutan ang kanilang unang PVL game.
Binigyan ng pagkakataong kuminang, pinangunahan ni Lycha Ebon ang Nxled na may 14 points, kabilang ang 2 blocks, habang kumana rin si Jho Maraguinot ng 2 blocks para sa 11-point outing na sinamahan ng 6 receptions.
Nag-ambag sina Krisch Macaslang at May Luna ng tig-7 points habang umiskor si Judith Abil ng 7 points, kabilang ang 2 service aces, at nakakolekta ng 7 digs para sa Chameleons.
“We had good stops. We had broken the opponent’s side-out system,” sabi ni Minowa. “We got a lot of break points and that’s a good point in this match.”
Nanguna sa scoring si Jenny Gaviola para sa Defenders na may 9 points, kabilang ang 2 blocks, habang tumapos si Danika Gendrauli na may 7 points. Nagtala si Gerflor libero-captain Pia Sarmiento ng 13 digs at 11 receptions.