Standings W L
Creamline 4 0
PetroGazz 3 0
Chery Tiggo 3 1
Akari 3 2
F2 Logistics 2 1
PLDT 2 1
Choco Mucho 2 1
Cignal 2 2
Nxled 1 2
Galeries Tower 0 3
Gerflor 0 4
Farm Fresh 0 5
Mga laro ngayon:
(Santa Rosa Multipurpose Sports Complex)
2 p.m. – PLDT vs Nxled
4 p.m. – Choco Mucho vs Galeries Tower
6 p.m. – F2 Logistics vs PetroGazz
PUNTIRYA ng PetroGazz na sumosyo sa liderato sa pagsagupa sa F2 Logistics sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference ngayong Huwebes sa Santa Rosa Multipurpose Sports Complex.
Kailangang iangat ng Cargo Movers ang lebel ng kanilang laro sa 6 p.m. match dahil ang Grethcel Soltones-led Angels ay wala pang talo sa tatlong laro.
“We need to prepare kasi ‘yan (PetroGazz), ‘yun mga teams na matitibay na. Hopefully, ‘yung mga natutunan namin sa mga past games ay mailabas namin,” sabi ni F2 Logistics coach Regine Diego. “But we’ll do our best and hopefully no more injuries.”
Sa iba pang laro, target ng PLDT ang ikatlong sunod na panalo laban sa Nxled sa alas-2 ng hapon, habang sisikapin ng Choco Mucho na mahila ang kanilang winning run sa tatlo sa pagharap sa winless Galeries Tower sa alas-4 ng hapon.
Winalis ng Angels ang Chameleons, 25-23, 25-21, 25-22, sa Candon City Arena noong Sabado.
Umaasa ang PetroGazz na samahan ang long-time rival Creamline, na walang talo sa apat na laro, sa ibabaw ng standings.
Sa pangunguna ni Ara Galang ay winalis ng Cargo Movers ang Highrisers, 25-8, 25-12, 25-20.
Inaasahang magbabalik si top hitter Myla Pablo, na masama ang pakiramdam sa huli nilang laro, para sa F2 Logistics na naghahanappa rin ng consistency sa kanilang laro.
Ang Cargo Movers ay kasalukuyang tabla sa High Speed Hitters at Flying Titans sa 2-1.
Makaraang matalo sa kanilang season opener sa Cignal, ang PLDT ay nanalo ng back-to-back matches.
Samantala, muling pangungunahan ni Sisi Rondina ang Choco Mucho.
Ang Flying Titans ay nagtala ng magkasunod na panalo makaraang yumuko sa Cool Smashers sa opening day.
Gayunman ay maglalaro ang Choco Mucho na wala si Des Cheng dahil sa season-ending ACL injury, na kanyang natamo sa 25-21, 25-19, 25-18 panalo ng Flying Titans kontra HD Spikers noong nakaraang Huwebes.