PVL: MANABAT FLYING TITAN NA

UMAASA si Dindin Santiago-Manabat na magbabalik ang sigla ng kanyang professional career sa Choco Mucho.

Opisyal na inanunsiyo kahapon ng Flying Titans ang pagkuha kay Manabat upang palakasin ang koponan sa Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Ang paglipat ni Manabat sa Choco Mucho ay isinagawa matapos ang apat na  conferences sa Akari kung saan hindi umabot ang koponan sa semifinals sa bawat torneo.

“We are proud to welcome Dindin Santiago-Manabat as the Choco Mucho Flying Titans’ new universal hitter. She is a multi-awarded player, having won several awards as best middle blocker, best opposite and best open hitter,” pahayag ng koponan sa kanilang social media accounts.

Si Manabat ay regular fixture sa Philippine national team, ang pinakahuli ay noong 2021, at ang dating  National University standout ay naglaro overseas para sa  club teams sa Japan at Thailand.

Ang pag-anib sa title contender, kung saan nakopo ng Choco Mucho ang back-to-back All-Filipino Conference runner-up finishes, ang kinakailangan ni  Manabat upang muling makapagsimula.

Si Manabat ay bahagi ng Chery Tiggo squad na naging unang koponan na nagwagi ng championship sa PVL bilang isang professional league sa Bacarra, Ilocos Norte bubble noong 2021.

“She is a welcome addition to the team and will surely bring more fighting spirit to the Titans!” dagdag ng koponan.

Samantala, handa na ang lahat para sa two-day PVL Combine sa Gameville Ball Park sa Mandaluyong City today.

Ang event ay magsisimula sa alas-8 ng umaga para sa  free agents at alas-12 ng tanghali para sa rookies, kung saan sasailalim sila sa anthropometry, strength, jump, speed and agility, anaerobic at speed endurance tests.