Standings W L
*Creamline 7 1
*PetroGazz 6 2
*F2 Logistics 6 2
*PLDT 5 2
Chery Tiggo 4 4
Choco Mucho 2 5
Cignal 2 5
Akari 2 6
Army-Black Mamba 0 7
*semifinalist
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – PLDT vs Choco Mucho
6:30 p.m. – Army-Black Mamba vs Cignal
SISIKAPIN ng PLDT na makaiwas sa semifinals duel sa Creamline sa pagsagupa sa also-ran Choco Mucho sa huling araw ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference eliminations ngayon sa Philsports Arena.
Ang No. 3 ranking ang pangunahing prayoridad ng High Speed Hitters sa 4 p.m. duel sa Flying Titans.
Ang panalo ng PLDT ay magseselyo sa Final Four showdown sa No. 2 PetroGazz, habang makakaharap ng elimination round topnotcher Creamline ang first-time semifinalist F2 Logistics sa isa pang pairing. Tinalo ng High Speed Hitters ang Angels, 21-25, 31-29, 25-21, 21-25, 15-13, sa elims.
Ang pagkatalo ng High Speed Hitters ay maglalagay sa kanila sa No. 4 at ang Cool Smashers ang kanilang magiging semis opponent. Nalasap ng PLDT ang 20-25, 21-25, 17-25 pagkatalo sa Creamline sa eliminations.
Magsisimula ang semifinals sa Sabado sa Philsports Arena.
Magiging krusyal sina open spikers Mean Mendrez at Jovie Prado para sa High Speed Hitters, kung saan sisikapin ni coach Rald Ricafort na pakinisin ang koponan papasok sa susunod na round.
“More on individually eh. Siguro ‘yung standards na kailangan naming itaas talaga lalo na sa mga wings namin, Mean at kay Jov. Na iyun talaga ang nagiging labanan ngayong conference. So patibayan talaga ng wings. ‘Yung mga middles naman, nandiyan naman iyan, medyo consistent naman sa amin. Pero para mag-level up talaga kami, talagang every game, mataas ang ini-expect ko sa kanila,” ani Ricafort.
Ang PLDT ay may 5-2 record sa likod ng Creamline (7-1), PetroGazz (6-2) at F2 Logistics (6-2).
May 2-5 kartada, ang Choco Mucho ay umaasang matikas na tuldukan ang kanilang first conference sa ilalim ni coach Dante Alinsunurin.
Tatapusin ng Cignal at Army-Black Mamba ang kanilang elims assignment sa alas-6:30 ng gabi.