PVL: OGUNSANYA, PONCE TITANS NA

DALAWANG talentadong players ang nadagdag sa lineup ng Choco Mucho bago ang  2022 Premier Volleyball League (PVL) season.

Inanunsiyo ng Flying Titans ang pagpirma nina Aduke Ogunsanya at Thang Ponce sa koponan para sa liga na target ilarga sa susunod na buwan.

“Welcome home, Aduke Ogunsanya!” pahayag ng koponan patungkol sa Ilongga middle blocker.

“No doubt she has exceptional talent which led her to win multiple UAAP and PSL championships. Aduke’s experience will definitely help the Flying Titans succeed.”

Naging mainit din ang pagtanggap ng Choco Mucho kay Ponce.

“With Thang’s impressive skills on the court, get ready for exciting rallies! (Denden) Revilla x Thang as your liberos? ‘Walang lalapag na bola!'” ayon sa koponan.

Ito ang unang pagsalang ni Ogunsanya sa PVL. Dati siyang naglaro para sa F2 Logistics sa 2021 PNVF Champions League.

Samantala, sa wakas ay maaari nang maglaro si Ponce para sa isang Rebisco-owned team. Naglaro siya para sa Perlas Spikers noong nakaraang season.

Sampung koponan ang magbabakbakan sa PVL na planong magsagawa ng tatlong conference ngayong taon, kabilang ang season-ushering Open Conference, na nakatakda sa Pebrero 16 sa Paco, Manila o Tagaytay.