PVL OPEN CONFERENCE TULOY NA TULOY NA

Ricky Palou

WALA nang makapipigil sa pagsisimula ng 2022 season ng Premier Volleyball League (PVL) sa March 16, kung saan gaganapin ang Open Conference sa Paco Arena sa Maynila.

Ayon kay PVL president Ricky Palou, isasagawa nila ang Open Conference sa isang semi-bubble set-up, kung saan susunod ang mga koponan sa mahigpit na home-venue-home format para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Siyam na koponan ang lalahok sa Open Conference, kung saan ipatutupad ng PVL ang pool format.

Ang Pool A ay kinabibilangan ng F2 Logistics, Chery Tiggo, Choco Mucho, Army, at Cignal, habang ang Pool B ay binubuo ng Creamline, Petro Gazz, PLDT, at BaliPure.

Ang top four teams sa Pool A ay sasamahan ang Pool B squads sa quarterfinals, kung saan ang top two seeds ay mabibiyaan ng twice-to-beat advantage.

“Tuloy na tuloy na,” wika ni Palou patunhgkol sa torneo.

Gayunman ay magiging maikili lamang ang Open Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team sa Brazil sa April 12-26.

“We have to have a shorter conference this time around,” ani Palou. “We have to end by April 10… dahil aalis ‘yung national team, pupunta sa Brazil para mag-training. So kailangan tapos kami before they leave.”

“That’s why we had to shorten the tournament. We made it into two pools, to accommodate the national team, which is preparing for the Southeast Asian Games,” dagdag pa niya.

Ang Open Conference ang una sa tatlong conferences na target ng PVL na maidaos ngayong taon.