PVL: PETRO GAZZ LUMAPIT SA BRONZE

petro gazz vs Choco Mucho

ISANG panalo na lang ang kailangan ng Petro Gazz Angels para makopo ang ikatlong puwesto sa 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Umiskor si Myla Pablo ng clutch hits sa fourth set upang sandigan ang Angels sa 25-21, 25-15, 22-25, 25-20 panalo kontra Choco Mucho sa Game 1 ng kanilang duelo para sa bronze, Miyerkoles sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nakatakda ang Game 2 ng best-of-three series, Huwebes sa parehong Ilocos Norte venue.

Masaklap ang pagkatalo ng Flying Titans kung saan nagtamo ng injury sa kaliwang tuhod ang kanilang middle blocker na si Maddie Madayag sa kalagitnaan ng fourth set.

Nanguna si Pablo para sa Petro Gazz na may 26 points sa 25 attacks, habang nagdagdag si Grethcel Soltones ng 13 points sa 10 kills at 2  aces. Tumapos si Ces Molina na may  11 points, at naitala ni Ria Meneses ang lima sa kanyang 10 points sa blocks.

Nagbida naman si Ponggay Gaston sa Flying Titans na may Gaston 18 points, habang nag-ambag si Kai Tolentino ng 10 markers.

3 thoughts on “PVL: PETRO GAZZ LUMAPIT SA BRONZE”

  1. I just like the helpful information you supply to your articles. I will bookmark your blog and check once more here frequently. I’m moderately sure I’ll be told plenty of new stuff right right here! Good luck for the following!

Leave a Reply

Your email address will not be published.