Standings W L
*Creamline 6 1
F2 Logistics 5 2
PetroGazz 4 2
PLDT 4 2
Chery Tiggo 3 3
Choco Mucho 2 4
Akari 2 4
Cignal 2 4
Army-Black Mamba 0 6
*semifinalist
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – PetroGazz vs Akari
6:30 p.m. – Choco Mucho vs Chery Tiggo
TARGET ng PetroGazz at Chery Tiggo ang krusyal na panalo sa magkahiwalay na laro na magpapalakas sa kanilang semifinals bids sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.
Haharapin ng Angels ang sibak nang Akari sa alas-4 ng hapon, habang sisikapin ng Crossovers na wakasan ang pag-asa ng Choco Mucho na makapasok sa semis sa isa pang laro sa alas-6:30 ng gabi.
Pasok na sa susunod na round ang league-leading Creamline na may 6-1kartada, habang ang second-running F2 Logistics ay nangangailangan na lamang ng isang panalo para makaabante sa semifinals sa 5-2, kung saan ang winless Army-Black Mamba ang huli nitong makakalaban.
Galing ang Angels sa back-to-back straight-set victories para sa 4-2 record sa third place. Samantala, ang PLDT ay mayroon ding 4-2 marka at isang laro ang angat sa No. 5 Chery Tiggo, na natalo ng tatlong sunod matapos ang 3-0 simula.
May 2-4 kartada sa sixth spot, ang Flying Titans ay bawal nang matalo sa sets dahil ang five-setter ay mangangahulugan ng elimination, kung saan ang High Speed Hitters ay may superior advantage sa match points, na siyang unang tiebreaker ng liga.
Kahit may 2-4 record, ang seventh-running Chargers ay sibak na sa kontensiyon dahil wala silang sapat na points na kinakailangan kahit pa manalo ang tropa ni coach Jorge Souza de Brito sa kanilang huling dalawang laro.