Mga laro sa Martes:
(Ynares Center)
2 p.m. – F2 Logistics vs Nxled
4 p.m. – Farm Fresh vs PLDT
6 p.m. – Akari vs Chery Tiggo
NAITALA ng PetroGazz ang kanilang ikalawang panalo sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference sa 25-11, 25-4, 25-23 pagdispatsa sa Gerflor kahapon sa harap ng capacity crowd sa Batangas City Sports Center.
Pinawi ni Nicole Tiamzon ang anumang pag-asa ng milagro para sa Defenders matapos ang four-point third set sa match-clinching kill na nagpanatili sa perfect record ng Angels sa kaagahan ng conference.
Muntik nang mapantayan ng Gerflor ang lowest pro league set scoring record ng BaliPure na three points sa 12-25, 3-25, 15-25 pagkatalo sa Creamline sa Bacarra, Ilocos Norte bubble noong July 28, 2021.
Kumana si Marian Buitre ng 2 blocks para sa match-high 8 points, kumamada si Grethcel Soltones ng 7 points, 14 digs at 5 receptions, habang umiskor din si Ranya Musa ng 7 points sa kanyang pagbabalik sa Petro- Gazz.
“I was very happy kasi heto, nakita natin kung paano maglaro yung girls, especially kapag disiplinado sila sa mga pinapagawa sa kanila,” sabi ni Angels coach Timmy Sto. Tomas.
Nalasap ng Defenders, sa pangunguna ng 6 kills ni Shang Berte, ang ikalawang sunod na kabiguan.