Standings W L
Chery Tiggo 3 0
Creamline 2 0
Choco Mucho 2 1
PetroGazz 2 1
Cignal 1 1
PLDT 1 2
F2 Logistics 1 2
Akari 1 3
UAI-Army 0 3
Mga laro sa Martes:
(Philsports Arena)
2:30 p.m. – Choco Mucho vs Chery Tiggo
5:30 p.m. – PLDT vs F2 Logistics
MAGAAN na dinispatsa ng PetroGazz ang Akari, 25-13, 25-14, 25-20, upang sumalo sa ikatlong puwesto sa Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Santa Rosa Multipurpose Sports Complex.
Hataw si American Lindsey Vander Weide ng 3 blocks para sa 21-point outing na sinamahan ng apat na receptions kung saan kinailangan lamang ng Angels ng 76 minuto upang iposte ang ikalawang panalo sa tatlong laro.
Bumawi mula sa four-set loss sa Creamline noong Martes, ang PetroGazz ay tumabla sa walang larong Choco Mucho sa ikatlong puwesto.
Kuntento si coach Rald Ricafort sa ipinakita ng Angels kumpara kontra Cool Smashers.
“Well, ‘yun naman ang gusto namin, to bounce back from our game against Creamline,” sabi ni Ricafort. “Pinaghirapan naman namin, kinapos lang ng konti. Mas gusto ko ang naging reaction ng team. Maganda ang iginalaw ng team coming off that loss.”
Kumana si MJ Phillips ng 8-of-12 attacks at nagpakawala ng dalawang service aces upang tumapos na may 11 points habang nag-ambag si Myla Pablo ng 8 points at 7 digs para sa PetroGazz.
“Obviously, it’s always great to win in three sets. But the most important thing is we really played together and we improved on some of the things that we wanted to from the last game,” ani Phillips.
Si Dominican Republic’s Prisilla Rivera ang nag-iisang nagningning para sa Chargers na may 19 points at 7 receptions.
Makaraang magpakawala ng 24 points sa five-set loss sa Chery Tiggo noong Huwebes, si Janine Marciano ay nalimitahan sa 5 points.
Nahulog ang Akari sa ninth place na may 1-3 marka.