PVL: PLDT BUHAY PA ANG SEMIS HOPES

VOLLEYBALL-2

Mga laro sa Martes:

(Philsports Arena)

9:30 a.m. – Gerflor vs Akari

12 noon – F2 Logistics vs Foton

4 p.m. – Choco Mucho vs Cignal

6:30 p.m. – Chery Tiggo vs PLDT

NALUSUTAN ng PLDT ang paghahabol ng Gerflor sa third set upang maitakas ang 25-18, 25-17, 26-24 panalo at manatili sa semi-finals hunt sa Pool A ng Premier Volleyball League Invitational Conference kahapon sa Philsports Arena.Naisalba ng Defenders ang limang match points bago umiskor si substitute Erika Santos ng back-to-back kills para sa High Speed Hitters upang iposte ang kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro at sumalo sa ikalawang puwesto.

Pag-aagawan ng PLDT at Chery Tiggo, na mayroon ding 2-1 kartada, ang nalalabing semis slot sa kanilang bracket sa nightcap ng isa pang four-game bill sa pagtatapos ng preliminary stage sa Martes.

Inaabangan na ni High Speed Hitters coach Rald Rica- fort ang ipakikita ng Crossovers sa isang virtual do-or-die para sa No. 2 spot sa Pool A, kung saan ang matatalo ay babagsak sa classification round.

“It’s a normal game, we have played Chery (Tiggo) before.

Excited kami sa mga bago nilang players.

The challenge will be on keeping up with their game and be able to read their plays,” sabi ni Ricafort.

Samantala, na-kumpleto ng early semifinalist Creamline ang four-match sweep sa Pool A kasunod ng 25-19, 24-26, 26-24, 25-19 pagdispatsa sa Akari.

Nauna rito, nanalasa si reigning NCAA MVP Mary Rhose Dapol upang pangunahan ang Foton sa come-from-behind 18-25, 23-25, 31-29, 25-20, 18-16 victory kontra Farm Fresh sa showdown ng mga wala pang panalo sa Pool B.

Tinapos ng comebacking Tornadoes ang kanilang threematch slide, salamat sa heads-up plays ni Dapol sa two-hour, 37-minute match.

Tumapos si Dapol, isang University of Perpetual Help System Dalta standout, na may 28 points, kabilang ang 2 blocks, 16 digs at 7 receptions.

Kumana si Fiola Ceballos ng 13 kills na sinamahan ng 9 receptions at 9 digs, habang umiskor din sina Dell Palomata (12), Mich Morente (11) at Royse Tubino (10) ng double digits para sa PLDT.

Gumawa si Rhea Dimaculangan ng 16 excellent sets habang nakalikom si libero Kath Arado ng 20 digs at 11 receptions.

Tumapos si Alyssa Bertolano na may 12 points, kabilang ang 3 service aces, at 14 receptions habang naitala ni Mina Digal ang lahat ng kanyang pitong kills sa third set para sa Gerflor.

Nahulog ang Defenders at Chargers sa 0-3 upang manatili sa ilalim ng pool.

Nagtala si Foton topscorer Shaya Adorador ng 24 points, kabilang ang 3 blocks, gumawa si Seth Rodriguez ng 2 service aces para sa 13-point outing, habang naiposte ni Jaila Atienza ang apat sa kanyang 9 points mula sa blocks.

Nakakolekta si libero Carly Hernandez, pumunan sa butas na iniwan ni Babylove Barbon, ng 18 digs at 7’ receptions para sa Tornadoes, na sa wakas ay naitala ang kanilang unang club volleyball win sa loob ng apat na taon.

“Masaya ako sa performance ng team kasi hindi talaga kami tumigil kahit na 0-3 kami, nandoon pa rin yung encouragement sa mga players na tra- bahuhin kasi ito yung ibinigay na work sa amin so kailangan hindi kami hihinto, so ito.nakuha namin yung sweet victory,” sabi ni Foton coach Brian Esquibel.