UMISKOR si Savi Davison ng 19 points upang pangunahan ang PLDT sa 25-22, 25-6. 25-9 panalo laban sa Galeries Tower sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference nitong Huwebes sa Filoil EcoOil Centre. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro bukas:
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. – SGA vs Chery Tiggo
4 p.m. – Akari vs Cignal
6 p.m. – Farm Fresh vs Creamline
DINISPATSA ng PLDT at Choco Mucho ang kani-kanilang katunggali upang sumosyo sa maagang liderato sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference preliminaries kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Pinangunahan ni Savi Davison ang PLDT sa 25-22, 25-6, 25-9 panalo laban sa Galeries Tower habang nagbida sina Sisi Rondina at Mars Alba sa 25-12, 25-22, 25-18 win ng Choco Mucho kontra Nxled.
Gumanap ng mahalagang papel sa commanding performance ng High Speed Hitters sa huling dalawang sets, si Davison ay tumapos na may 19 points, kabilang ang 2 blocks, 9 digs at 8 receptions.
Nag-ambag si Jules Samonte ng 15 points sa 10-of-18 spikes at 4 service aces at nakakolekta ng 10 digs habang nagtala si Fiola Ceballos, pumunan sa puwest ni injured opposite spiker Kim Kianna Dy, ng 7 points.
Nagpahayag ang Fil-Canadian ng excitement sa prospects ng koponan sa season-opening conference, lalo na sa pagpasok nina dating F2 Logistics players Kim Fajardo at Majoy Baron, na gumawa ng 11 excellent sets at 2 points, at 4 points, ayon sa pagkakasunod.
“So excited being here for the conference. Also excited with the people we have, with the additions,” sabi ni Davison, na umanib sa High Speed Hitters sa second All-Filipino Conference noong nakaraang taon.
Ang panalo ay hindi lamang nagpakita sa adaptability ng PLDT kundi nagpahiwatig din ng promising campaign ng koponan sa mga darating na laro.
Dinaig ng High Speed Hitters ang Highrisers sa spikes, 47-24. Tumapos din ang PLDT na may 6 blocks at 6 aces kontra sa 2 at 1 ng Galeries Tower, ayon sa pagkakasunod.
Nanguna si Norielle Ipac sa scoring para sa Galeries na may 7 points habang tumipa sina off-season signees Shola Alvarez at France Ronquillo ng tig-4 points.
Naitala ni Andrea Marzan ang dalawa sa kanyang tatlong puntos mula sa blocks, Gumawa rin si Carly Hernandez ng 3 points na sinamahan ng 11 receptions at 6 digs, habang nag-ambag si Ysa Jimenez ng 3 points sa pagkatalo.
Sinamahan ng PLDT at Choco Mucho ang Chery Tiggo at Petro Gazz, kapwa opening day winners, sa liderato.