Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
9:30 a.m. – Foton vs Farm Fresh
12 noon – PLDT vs Gerflor
4 p.m. – Akari vs Creamline
6:30 p.m. – PetroGazz vs Choco Mucho
MAGHAHARAP ang PetroGazz at Choco Mucho sa larong may malaking implikasyon sa paghahabol para sa dalawang semifinals berths sa Pool B sa Premier Volleyball League Invitational Conference ngayon sa Philsports Arena.
Ang Angels-Flying Titans duel, na tatampukan nina high-scoring open spikers Grethcel Soltones at Sisi Rondina, ay nakatakda sa alas-6:30 ng gabi.
Ang mga walang larong Cignal, winalis ang Farm Fresh, 25-18, 25-19, 25-18, noong Huwebes ng gabi, at F2 Logistics ay katabla ng PetroGazz para sa Pool A lead sa 3-1.
Kasalukuyang tangan ng HD Spik- ers at Cargo Movers ang tiebreaker, kung saan may magkatulad silang match points na may siyam, kumpara sa walo ng Angels.
Hindi nalalayo ang Choco Mucho, na nasa fourth sa kanilang pool na may 2-1 record. Sa kasalukuyan, ang Flying Titans ay may 7 match points.
Kailangan ng PetroGazz, pinataob ang F2 Logistics, 20-25, 25-22, 25-12, 33-35, 15-9, noong Huwebes, na manalo ‘convincingly’ upang mapalakas ang kanilang tsansa na tumapos sa top two sa kanilang bracket.
Sa kabila ng kanyang impresibong 31-point outburst kontra Cargo Movers, minaliit ni 5-foot-8 Soltones ang kanyang ipinakita, binigyang-diin na ang pangunahin niyang pinagtutuunan ay ang pangunahan ang Angels sa panalo at palakasin ang kanilang tsansang sumampa sa semifinals.
“Actually, hindi ko in-expect ‘yan kasi all I want is my team to go to next round,” sabi ni Soltones.
“Hindi ako nag-expect na ganito ‘yung points, ang gusto ko lang panalo at mairaos namin ito the next round hopefully,” dagdag pa niya.
Para kay Sisi Rondina, na may solid all-around outing na 28 points, 16 receptions, at 15 digs, laban sa F2 Logistics, ang pagkatalo ay isang leksiyon para sa Choco Mucho, na unang nakaabot sa match point ngunit hindi nag-tagumpay.
“Sabi ko nga po sa mga teammates sa dugout, hindi kami natalo. Natuto kami,” sabi ni Rondina.
“Good thing kasi may nakita kami and may nakukuha kami sa laro ngayon and kaya namin. Kinapos lang.
Ako, proud talaga ako kanina kasi yung composure, yung confidence, yung focus nandoon talaga. Hindi lang binigay sa amin talaga. Pero okay lang, masaya kami sa out- come ng laro,” dagdag pa niya.
Samantala, umaasa ang PLDT na makabawi mula sa shutout loss sa Pool A semifinalist Creamline kung saan makakasagupa ng High Speed Hitters ang winless Gerflor sa alas-12 ng tanghali habang target ng Cool Smashers ang sweep sa kanilang grupo laban sa Akari sa alas-4 ng hapon.
Sisikapin ng PLDT (1-1) na makahabol sa walang larong Chery Tiggo (2-1) sa karera para sa nalalabing semis spot sa Pool A. Ang High Speed Hitters at Crossovers ay magsasalpukan sa isang virtual do-or-die match sa Martes.