Standings W L
Akari 6 0
PLDT 5 1
Cignal 5 1
Creamline 4 2
Chery Tiggo 4 2
Capital1 4 2
PetroGazz 3 3
Choco Mucho 2 4
Farm Fresh 2 4
Nxled 1 5
Galeries Tower 0 6
ZUS Coffee 0 6
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
1 p.m. – Capital1 vs Farm Fresh
3 p.m. – Akari vs Nxled
5 p.m. – Cignal vs Galeries Tower
TARGET ng Capital1 ang isang puwesto sa quarterfinals sa pagsagupa sa Farm Fresh sa Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayong Huwebes sa Philsports Arena.
Sisikapin ng Solar Spikers na maipagpatuloy ang kanilang impresibong run, na nagbigay sa kanila ng apat na panalo laban sa dalawang talo, sa 1 p.m. showdown sa Foxies.
Tabla sa Creamline at Chery Tiggo sa 4-2, ang panalo ay maghahatid sa Capital1 sa knockout quarterfinals kasama ang Akari, Cignal at PLDT.
Sisikapin ng Chargers na mahila ang kanilang club-best winning run sa pitong laro kontra Nxled sa alas-3 ng hapon, habang umaasa ang HD Spikers na maipagpatuloy ang kanilang high level of play sa 5 p.m. match kontra Galeries Tower.
Ang High Speed Hitters ay naging ikatlong quarterfinalist noong Martes kasunod ng 25-18, 25-14, 25-12 panalo sa ZUS Coffee.
Sa kabila ng 2-4 record, ang Farm Fresh ay may pag-asa pang umabante sa knockout phase sa pamamagitan ng backdoor. Gayunman, kailangan ng Foxies na tumulong ang iba pa nilang players bukod kina Yeny Murillo at Trisha Tubu upang pigilan ang pananalasa ng Solar Spikers.
Binura ni Marina Tushova ang kanyang sariling PVL all-time scoring record na may 49-point explosion laban sa Chameleons noong Sabado.