PVL SA F2F PSA FORUM

PAG-UUSAPAN ang nalalapit na Invitational Conference ng Premier Volleyball League (PVL) nang face-to-face sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Century Park Hotel.

Dadalo sina PVL president Ricky Palou at tournament director Tonyboy Liao sa 10:00 a.m.session para talakayin ang mid-season tournament na magsisimula sa July 9.

Darating din si Cignal TV Inc. VP Channels and Content Sienna Olaso at ang mga kinatawan ng mga kalahok na koponan sa weekly sports program na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Unilever, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang Forum ay ila-livestream via PSA Facebook page at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin ito sa kanilang official Facebook page.