INANUNSIYO ng PLDT ang pagbabalik ni Russian import Elena Samoilenko para sa darating na 2024 PVL Reinforced Conference.
May taas na 6-foot-4, dadalhin ni Samoilenko, isang outside hitter na kilala sa kanyang powerful spikes, ang mayamang karanasan at kasanayan sa koponan.
“We just loved Lena Samoilenko’s quiet intensity so much that we had to bring her back for another tour of duty,” ayon sa statement ng koponan.
Ang huling stint ni Samoilenko sa PLDT ay sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference kung saan nabigo ang koponan na umabante sa semifinals.
Sa naturang kampanya ay ipinamalas ni Samoilenko ang kanyang galing sa court, nanguna sa liga sa scoring na impressive tally na 213 points sa walong laro.
Makakasama niya ngayon sa Rald Ricafort-mentored team sina Fil-Canadian sensation Savannah Davison at stalwarts Majoy Baron, Kim Fajardo, at Kianna Dy bilang firepower.