SA lahat ng professional volleyball fans, kita-kitz na lang bago mag-eleksiyon.
Ipinahayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na hindi na matutuloy ang planong pagbubukas ng ikalawang season ng Premier Volleyball League – bilang isang pro leahue – ngayong taon bunsod ng pag-iingat sa kalusugan ng mga player.
“We already talked with PVL president Ricky Palou over the phone and he confirmed that the PVL Board and team owners have decided to post-pone the second season until February next year,” pahayag ni Mitra sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom nitong Huwebes.
“I congratulate the organizer for self-regulating. Alam nila na mas makabubuti sa mga player ang magpahinga muna at hayaang magkaroon ng development ang takbo ng pandemya,” aniya.
Sa masinsin na pagbabantay ng GAB, matagumpay na naisulong ng PVL ang unang season sa isang ‘bubble setup’ sa Bacarra, Ilocos Norte na pinagtagumpayan ng Chery Tiggo sa pangunguna ng magkaptid na Jaja Santiago at Dindin Manabat.
“Although nagkaroon ng cases of COVID-19 ang isang team before the start of the tournament, maayos naman ang naging patakbo ng organizers sa pangkalahatan,” ayon kay Mitra.
Ang ginawang programa at sistema sa safety and health protocol ng PVL ay kabilang sa isyu na bibigyan ng pansin sa isasagawang 3rdProfessional Sports Summit ng GAB sa Setyembre 29 via Zoom.
“‘Yung ginawa ng PVL ay magandang template na puwedeng gayahin ng mga gustong mag-organize ng sports. Bibigyan natin ng oaras ang PVL diyan para mai-share nila sa ating mga stakeholders ‘yung ginawa nila,” sabi ni Mitra.
Ayon sa dating Palawan governor at congressman, sentro rin ng usapin sa Summit ang ginawang adjustment ng mga pro league tulad ng PBA at Vismin Cup, gayundin ang ilang boxing promoters at horse-racing clubs.
Bukas pa ang pagpapatala sa Summit, hiniling ni Mitra na magparehistro ang mga interesadong lumahok sa https://forms.gle/Ja4aKk5fTK5jCkF26.
Samantala, sinabi ni Mitra na nakaantabay ang GAB sa makakalap na impormasyon hinggil sa posibleng game-fixing sa PBA, habang tapos na ang isinagawang imbestigasyon ng GAB panel sa naganap na parehong insidente sa VisMin Cup Visayas leg sa Cebu City.
“Yung’ imbestigasyon natin sa Vismin Cup tapos na at hihintayin na lang namin ‘yung approval ng NBI para makasuhan ‘yung mga dapat kasuhan. Sa PBA naman, may hakbang na ang PBA at hihintayin muna namin ‘yung report nila,” aniya. EDWIN ROLLON
230799 661607I enjoy this information presented and possesses given me some type of resolve forpersistance to succeed i actually enjoy seeing, so sustain the superb work. 694529