Standings W L
*Creamline 6 1
*PetroGazz 5 2
F2 Logistics 5 2
PLDT 4 2
Chery Tiggo 3 3
Choco Mucho 2 4
Cignal 2 4
Akari 2 5
Army-Black Mamba 0 6
*semifinalist
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
4 p.m. – F2 Logistics vs Army-Black Mamba
6:30 p.m. – Cignal vs PLDT
UMAASA ang F2 Logistics na magaan na madidispatsa ang Army-Black Mamba na wala pang panalo sa anim na laro sa pagtatangka ng Cargo Movers na masungkit ang isa sa dalawang nalalabing semifinals berths sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Gayunman ay pinaalalahanan ni coach Regine Diego ang kanyang tropa na huwag magkampante sa 4 p.m. clash sa Lady Troopers.
“Actually, ever since naman, ever since the first game, we focus on ourselves. We study the opponent pero ourselves pa rin. Kasi alam namin na may kulang pa rin naman talaga kami and we have to work on that,” sabi ni Diego.
“But we cannot disrespect lahat ng opponent. Kailangan talaga, focus pa rin kami. Prepare pa rin kami, pag-aralan pa rin sila. The same thing we do all the time. But this time, sana yung mga problema namin yung past few games, ma-address namin sa next game. Keep improving lang every game,” dagdag pa niya.
Target ng F2 Logistics na samahan ang league-leader Creamline (6-1) at PetroGazz (5-2) sa Final Four. Ang Cargo Movers ay may 5-2 record din subalit hindi tangan ang tiebreaker sakaling magkaroon ng multiple ties sa No. 4.
Mababasag ang pagtatabla via points pagkatapos ay set ratio.
Makakaharap ng PLDT, may 4-2kartada, ang Cignal na sisikaping mapanatiling buhay ang maliit na pag-asa sa 2-4 marka sa paghaharap ng dalawang koponan sa 6:30 p.m. main game.
Ang High Speed Hitters ay nasa kontensiyon kasunod ng four-game winning streak matapos matalo sa limang set sa Cargo Movers sa season opener. Subalit nabigo ang tropa ni coach Rald Ricafort na mahila ito nang yumuko sa Cool Smashers.
Sisikapin ng High Speed Hitters na muling makabawi bagaman asahan na magiging agresibo rin ang HD Spikers mula sa mahabang break para sa ikalawang sunod na panalo at ikatlo sa kabuuan laban sa apat na talo.