Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Chery Tiggo vs Galeries Tower
6 p.m. – PLDT vs Creamline
TARGET ng Chery Tiggo ang huling semis berth sa pagsagupa sa Galeries Tower sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.
May 8-2 record, ang Crossovers ay nangangailangan lamang ng isang puntos para kumpletuhin ang Final Four cast.
Tinapos ng Choco Mucho, na tinalo ang Farm Fresh, 25-25, 24-26, 21-25, 25-21, 15-12, noong Huwebes ng gabi, ang preliminaries na may 9-2 record.
Ang PetroGazz at Creamline, may superior points na 25 at 24, ayon sa pagkakasunod, ay nakasisiguro na ng semis berths.
Umaasa ang Chery Tiggo, may 23 points, na maisagawa ito sa 4 p.m. match upang pormal na umabante sa semifinals.
Sa kabila ng pagiging kumpiyansa makaraang magwagi sa kanilang huling anim na laro, nauunawaan ng Crossovers ang kahalagahan ng hindi pagmamaliit sa Highrisers.
Determinado ang Galeries Tower, bagama’t sibak na sa kontensiyon na may 3-7 kartada, na gawing makabuluhan ang kanilang laro at biguin ang Chery Tiggo sa kanilang mga plano.
Maging sa five-set match, ang superior tally points ng Crossovers ay magbibigay pa rin sa kanila ng puwesto sa Final Four.
Coach Kungfu Reyes has transformed Chery Tiggo into a formidable force after a shock shutout loss to Farm Fresh, showcasing its dominance in recent matches.
Makakaharap naman ng High Speed Hitters ang Cool Smashers sa 6 p.m. mainer at kailangang umasa sa magandang resulta sa Crossovers-Highrisers match upang magkaroon ng tsansang umabante.