Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. – PLDT vs Akari
6 p.m. – Creamline vs Cignal
INIURONG ng Premier Volleyball League (PVL) ang 2024 Reinforced Conference semifinals sa Sabado, Agosto 31, sa Mall of Asia Arena.
Orihinal na nakatakda kahapon, Agosto 29, inanunsiyo ng liga ang pagpapaliban sa mga laro sa PhilSports Arena sa Pasig City dahil sa power outage sa lugar bunga ng pag-ulan.
“The PVL sincerely apologizes for any inconvenience this change may cause and appreciates the understanding and patience of everyone affected,” pahayag ng liga sa isang statement.
“The league is dedicated to maintaining a secure and enjoyable environment for our events and is working diligently to ensure a smooth transition to the new venue and date.”
Itinakda naman ang do-or-die finals match sa Lunes, Setyembre 2, sa Araneta Coliseum.
Ang final four pairings ay sa pagitan ng top seed Akari at fourth-ranked PLDT habang magsasagupa ang second seed Cignal at third-ranked Creamline.
Ang lahat ng biniling tiket para sa orihinal na petsa ay awtomatikong ire-refund, Ang isasauling halaga ay ike-credit sa original payment method, bank account man, card, o e-wallet.
Ang pagpapaliban ay nagbigay sa lower-ranked squads High Speed Hitters at Cool Smashers ng dagdag na panahon upang makapaghanda para sa semifinals.
Gayunman, ang pagbabago ng iskedyul ay maaaring makaapekto sa momentum ng Chargers, na nanalo sa lahat ng kanilang siyam na Reinforced Conference matches.