Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
2 p.m. – Cignal vs Nxled
4 p.m. – Akari vs PetroGazz
6 p.m. – Chery Tiggo vs F2 Logistics
TARGET ng Chery Tiggo ang isa sa dalawang nalalabing semifinals berths sa pagsagupa sa sibak nang F2 Logistics sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.
Selyado na ng Creamline at Choco Mucho ang unang dalawang Final Four berths makaraang maabot ang eight-win mark, ang magic number para umabante sa susunod na round.
May 7-1 record, ang third-running Crossovers ay umaasang mananalo sa 6 p.m. match kontra Cargo Movers.
Sisikapin naman ng Cignal, nasa fourth spot na may 6-3 kartada, na makalapit sa semis sa pagharap sa sibak na ring Nxled sa alas-2 ng hapon
Pipilitin ng Akari at PetroGazz, nakaipit sa three-way tie sa walang larong PLDT sa fifth place sa at 5-4, na makaiwas sa pagkakasibak sa alas-4 ng hapon. Naghahabol sa HD Spikers ng isang laro, ang kapalaran ng Chargers at Angels na umabante sa Final Four ay wala na sa kanilang mga kamay.
Tangan ng Cignal, na may 19 points, ang first tiebreaker kontra PLDT (16), PetroGazz (16) at Akari (14).
Sisikapin ng HD Spikers na makabawi mula sa 25-17, 19-25, 25-21, 22-25, 14-16 defeat sa Crossovers noong nakaraang Martes.
Nakopo ng Cool Smashers at Flying Titans ang unang dalawang Final Four berths makaraang gapiin ang Chameleons at High Speed Hitters, ayon sa pagkakasunod, noong Huwebes.
Makaraang gapiin ang Nxled, 25-23, 25-16, 25-21, kinailangan ng Creamline ang Choco Mucho kontra PLDT, 25-20, 23-25, 18-25, 25-17, 15-12, upang ipormalisa ang pagpasok nila sa semis.