PVL: SEMIS TARGET NG ARMY, PLDT

Standings W L
Creamline 4 1
Cignal 4 1
Army 3 2
PLDTqq 3 2
Choco Mucho 2 3
PetroGazz 1 4
Chery Tiggo 1 5

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
11:30 a.m. – Creamline vs Army
2:30 p.m. – PLDT vs Cignal
5:30 p.m. – PetroGazz vs Choco Mucho

SISIKAPIN ng Army-Black Mamba at PLDT na kunin ang nalalabing dalawang semis berths sa huling matchday ng Premier Volleyball League Invitational Conference preliminaries ngayon sa Filoil EcoOil Centre.

Bagama’t pasok na sa susunod na round ang kani-kanilang katunggali, ang Lady Troopers at High Speed Hitters ay nag-aalala na nais tapusin ng kanilang mga kalaban ang elims sa panalo.

Sasagupain ng Army ang Creamline sa alas-11:30 ng umaga, habang haharapin ng PLDT ang Cignal sa alas-2:30 ng hapon.

May 4-1 records, ang Cool Smashers at HD Spikers ay umabante na sa susunod na round, na tatampukan ng guest squads mula sa Japan (Kobe Shinwa) at Taiwan (KingWhale).

Ang Lady Troopers at High Speed Hitters, nasa joint third sa 3-2, ay may tsansa pang umusad sa semifinals kapag natalo sila sa limang sets kontra sa kanilang already-qualified foes.

Subalit para sa dalawang koponan, kailangan nilang manalo para maiwasan ang tiebreaker complications.

Masisibak ang Choco Mucho, na mapapalaban sa also-ran PetroGazz sa final match sa alas-5:30 ng hapon, kung ang Army at PLDT ay mananalo o matatalo sa limang sets. Tangan ng Flying Titans ang 2-3 marka sa labas ng top four range.

Hindi na magkakaroon ng playoff sakaling magkaroon ng tie para sa No. 4 dahil dedesisyunan ito ng FIVB quotient.

Nasa likod din ang Choco Mucho sa unang tiebreaker – ang match points ratio. May 6 points lamang, ang Flying Titans ay naghahabol sa Lady Troopers at High Speed Hitters, na kapwa may siyam.

Kaya kailangang manalo ng Flying Titans sa straight sets kontra Angels at umasa na matalo ang Lady Troopers at High Speed Hitters sa straight sets paea umusad sa susunod na round via unang tiebreaker.