Standings
Group A W L
Creamline 2 0
PLDT 1 0
Chery Tiggo 1 1
Gerflor 0 1
Akari 0 2
Group B
F2 Logistics 3 0
Choco Mucho 2 1
Cignal 2 1
PetroGazz 2 1
Foton 0 3
Farm Fresh 0 3
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
9:30 a.m. – Gerflor vs Chery Tiggo
12 p.m. – F2 Logistics vs PetroGazz
4 p.m. – Creamline vs PLDT
6:30 p.m. – Farm Fresh vs Cignal
MAY maikling panahon na makapagpahinga mula sa exhausting five-set win kontra Choco Mucho noong Martes ng gabi, ang F2 Logistics ay umaasang makaipon ng sapat na lakas laban sa PetroGazz sa pagtatangka nitong makalapit sa pagkopo ng isang semifinals berth sa Premier Volleyball League Invitational Conference ngayon sa Philsports Arena.
“Well, it’s good to celebrate kasi a win is a win and that win is amazing but siyempre, it’s not the end yet. All we have to do is remind these girls that we have to recover more because our next game is on Thursday. So recovery is everything,” wika ni coach Regine Diego makaraang maitakas ng Cargo Movers ang epic 21-25, 25-17, 17-25, 25-21, 18-16 win laban sa Flying Titans.
Ang F2 Logistics ay humabol mula sa 11-14 deficit sa decider upang kunin ang panalo at ang solong pangunguna sa Pool B sa 3-0.
Inakala ng Choco Mucho na nanalo na sila makaraang mamiskalkula ni Kim Kianna Dy ang kanyang crosscourt attack, na nagresulta sa paglabas ng bola. Gayunman ay nabigyan ng Cargo Movers ang koponan ng lifeline nang humirit ng net touch challenge, na naging matagumpay upang manatili sila sa laro.
Isa sa young rising coaching stars, pinuri ni Diego ang kanyang eagle-eyed coaching staff nang maispatan ang violation ng Flying Titans.
“Our coaching staff actually has responsibilities and they have their own jobs inside the court. I’m coaching… well maybe I’m just the person standing up but we were working on it,” sabi ni Diego matapos ang two-hour, 37-minute thriller.
“We talked about it, lahat halos ng rotation pinaguusapan namin ng coaching staff so it was really a teamwork thing kaya kudos to my coaching staff, you guys are the best,” dagdag pa niya.
May ipinagmamalaking strength and conditioning staff sa liga, ang F2 Logistics ay umaasang kagyat na makakarekober sa pamamagitan ng pahinga at tamang nutrisyon sa pagharap sa isa pang mabigat na kalaban sa paghahabol sa isang semifinal seat.
Batid ng Cargo Movers na hindi madaling kalaban ang Angels sa kabila ng pagkawala ni middle blocker MJ Phillips sa 12 noon match.
“I know these girls are not going to be overconfident for the next game. So we’re just going to celebrate for a second here and we’ll just move on and continue to work,” ani Diego.
Ang Grethcel Soltones-led PetroGazz ay nakaipit sa three-way tie sa 2-1 kasama ang Choco Mucho at Cignal, na makakasagupa ang winless Farm Fresh sa alas-6:30 ng gabi sa Pool B.
Sa Pool A, gagawin ng defending champion Creamline ang lahat para kunin ang unang semis spot kontra PLDT sa alas-4 ng hapon, habang magtutuos ang Chery Tiggo at Gerflor sa isa pang four-match fixture sa alas-9:30 ng umaga.
Ang Cool Smashers ay hindi pa natatalo sa set sa dalawang laro sa pangunguna ni Tots Carlos.
Alalahanin naman ng High Speed Hitters ang kalusugan dahil dalawa sa kanilang players sa starting rotation ang hindi naglaro sa conference opener.
Umaasa sina Mika Reyes at Mean Mendez, hindi naglaro sa 25-15, 25-19, 25-22 panalo ng PLDT kontra Akari noong nakaraang June 1, na makakuha ng clearance laban sa Creamline.