Standings W L
*Creamline 11 0
*Choco Mucho 10 1
*Cignal 8 3
*Chery Tiggo 8 3
PLDT 7 4
PetroGazz 6 5
Akari 5 6
F2 Logistics 4 7
Nxled 4 7
Farm Fresh 2 9
Galeries Tower 1 10
Gerflor 0 11
*semifinalist
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Chery Tiggo vs Creamline
6 p.m. – Cignal vs Choco Mucho
HAHARAPIN ng Creamline, galing sa 11-0 pagwalis sa preliminary round, ang Chery Tiggo, habang sasagupain ng Choco Mucho, may 10-match winning run, ang Cignal sa pares ng best-of-three series sa pagsisimula ng semifinal round ng Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference ngayong Huwebes sa Philsports Arena.
Binigyang-diin ni coach Sherwin Meneses ang pagnanais nilang mahigitan ang kanilang performance sa prelims sa kanilang 4 p.m. duel sa fourth-ranked Crossovers.
“‘Yung goal is mas mataas pa sa eliminations. But we need to work hard,” sabi ni Meneses.
Inaasahan ang best performance ni skipper Alyssa Valdez, na pinagpahinga sa preliminary round finale ng Creamline kontra Galeries Tower noong nakaraang Martes, sa Final Four upang suportahan sina Tots Carlos, Jema Galanza at Michele Gumabao. “Priority is for Aly (Valdez) to rest for the semis para mas maging maganda ang performance niya,” sabi ni Meneses, na ang tropa ay namayani sa Chery Tiggo, 25-22, 24-26, 25-20, 25-16, noong nakaraang Nob. 28.
Habang ang Cool Smashers ay walang dungis, ang Crossovers ay natalo sa kanilang huling dalawang laro, kabilang ang 16-25, 19-25, 23-26 loss sa Flying Titans sa Iloilo noong nakaraang weekend.
Subalit determinado si Chery Tiggo deputy coach Kungfu Reyes na makausad sa Finals.
Si Eya Laure ay consistent sa kanyang double-digit outputs at tumapos sa ikatlong puwesto sa pagtatapos ng prelims.
Ngunit kailangan ng Crossovers ng collective effort para madominahan ang defending champions at umabante sa Finals sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng koponan.
Tulad ng Creamline, pinataob ng Choco Mucho ang Cignal sa kanilang prelims face-off, 25-21, 25-19, 25-18, noong nakaraang Okt. 26.
Binigyang-diin ni Choco Mucho coach Dante Alinsunurin ang kahalagahan ng pagkontrol sa laro sa pamamagitan ng solid serves at pagkakaroon ng kumpiyansa. “‘Yung sistema (ng team) ay ‘yung kailangan namin ng hard serves para ma-control ang laro.”
“Mataas ang kumpiyansa namin pero ang goal is to iangat pa ang confidence level sa semis,” dagdag ni Alinsunurin.