PVL: SEMIS WAWALISIN NG COOL SMASHERS

creamline

Standings W L
*Creamline 3 0
KingWhale 2 0
PLDT 2 2
Cignal 1 2
Army 0 4
*finalist

Laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
4 p.m. – Creamline vs KingWhale

UMAASA ang Creamline na papasok sa winner-take-all championship na galing sa panalo sa pagtatangkang walisin ang semifinals kontra KingWhale ng Chinese-Taipei sa Premier Volleyball League Invitational Conference ngayon sa Filoil EcoOil CentreTarget ng mga bisita ang nalalabing Finals berth sav4 p.m. match sa Cool Smashers.

Nakatitiyak na ng puwesto sa one-game Finals sa Linggo na may perfect 3-0 record, kakayod pa rin nang husto ang Creamline laban sa KingWhale, na magkasunod na tinalo ang Army-Black Mamba at PLDT.

Nakaabang ang High Speed Hitters, na tinapos na ang kanilang semis stint na may 2-2 record, sa match-up sa pagitan ng Cool Smashers at ng Taiwanese club.

Ang panalo ng Creamline ay magbibigay sa PLDT ng pag-asa sa karera para sa nalalabing Finals berth kung saan kailangang manalo ng Cignal kontra KingWhale sa huling araw ng semifinals bukas upang umabante.

May 8 points, tangan ng High Speed Hitters ang tiebreaker kontra Taipei-based squad at HD Spikers sakaling magkaroon ng three-way tie sa 2-2.

Ang Cool Smashers ay nasa porma para makopo ang ikalawang sunod na korona ngayong taon.

Sa kahanga-hangang pagsasagawa ng plays ni setter Jia de Guzman, ang Creamline ay galing sa magaan na 25-17, 25-15, 25-22 panalo kontra Cignal noong Lunes.

Si De Guzman ay mapapalaban kay KingWhale playmaker Liao Yi-Jen, kung saan sisikapin ng dating Ateneo standout na maiangat ang kanyang laro laban sa foreign club.

Sasandal si coach Teng Yen-Min sa kanyang familiarity kay Cool Smashers skipper Alyssa Valdez, na kanyang teammate sa Attack Line sa Taiwan Volleyball League noong 2017.

“Alyssa! I know (how) you play,” sabi ni Teng. “I know Creamline is strong team.”

Haharapin ng KingWhale ang Cignal para tapusin ang kanilang semifinals campaign bukas ng alas-4 ng hapon sa San Juan arena.

Ang gold medal match ay nakatakda sa Linggo, alas-5:30 ng hapon, sa Mall of Asia Arena, matapos ang third place game sa alas-2:30 ng hapon.