PVL: S’FINALS PUNTIRYA NG F2

Standings
Group A W L
Creamline 4 0
PLDT 2 1
Chery Tiggo 2 1
Akari 0 3
Gerflor 0 3
Group B
Cignal 3 1
Choco Mucho 3 1
F2 Logistics 3 1
PetroGazz 3 2
Foton 1 3
Farm Fresh 0 5

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
9:30 a.m. – Gerflor vs Akari
12 noon – F2 Logistics vs Foton
4 p.m. – Choco Mucho vs Cignal
6:30 p.m. – Chery Tiggo vs PLDT

TARGET ng F2 Logistics ang ikalawang sunod na semifinals appearance sa pagharap sa also-ran Foton, habang sisikapin ng apat na iba pang koponan na makaiwas sa pagkakasibak sa pagtatapos ng preliminary round ng Premier Volleyball League Invitational Conference ngayong Martes sa Philsports Arena.

Asahan ang mainit na simula ng Cargo Movers upang maitakas ang krusyal na panalo at makaiwas sa anumang kumplikasyon na maaaring idulot ng pagkatalo sa 12 noon duel sa Tornadoes.

May magkakatulad na 3-1 records at 9 points sa first tiebreaker, ang F2 Logistics, Choco Mucho at Cignal ay magkakasalo sa ibabaw ng Pool B table.

Ang Flying Titans at HD Spikers ay magsasagupa para sa isa pang semis spot isa kanilang bracket sa alas-4 ng hapon.

Pag-aagawan naman ng Chery Tiggo at PLDT, tabla sa second spot sa Pool B sa 2-1, ang isa pang semis berth sa alas-6:30 ng gabi.

Winalis ng defending champion Creamline, pasok na sa semis kasama ang Japan’s Kurashiki Ablaze at Vietnam’s Kinh Bac Bac Ninh, ang lahat ng kanilang apat na Pool A matches.

Sisimulan ng Gerflor at Akari ang quadruple bill sa duelo ng mga walang panalo sa Pool A sides sa alas-9:30 ng umaga.

Galing sa 25-20, 22-25, 12-25, 35-33, 9-15 pagkatalo sa PetroGazz noong nakaraang Huwebes, ang F2 Logistics ay determinadong makabawi at maisakatuparan ang kanilang initial goal na umabante sa susunod na round.

“We can’t be too emotional and I have to make them put in mindset agad agad, kailangan ko agad sila iproseso after nung game last time, siguro hindi sila nakapagreset, they were stuck on that pagod and that exhaustion,” sabi ni coach Regine Diego.

“I told them naman na it’s not everyday na panalo, may mga bagay talagang magpapahumble sa atin, may mga bagay talagang kailangan pa natin pag-aralan and meron pa talaga tayong lapses na kailangan natin baguhin, meron taying mental problem pagdating sa mga games usually nanggigigil sila,” dagdag pa niya.