Standings W L
PetroGazz 3 0
Creamline 3 0
Akari 3 1
F2 Logistics 2 1
PLDT 2 1
Chery Tiggo 2 1
Choco Mucho 2 1
Nxled 1 2
Cignal 1 2
Galeries Tower 0 3
Gerflor 0 3
Farm Fresh 0 4
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Chery Tiggo vs Gerflor
4 p.m. – Farm Fresh vs Creamline
6 p.m. – Cignal vs Akari
TARGET ng Creamline ang ika-4 na sunod na panalo laban sa winless rival, habang sisikapin ng Akari na mahila ang kanilang winning run sa tatlo sa pagsagupa sa Cignal sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Galing sa pares ng straight-set romps kontra HD Spikers at Gerflor, puntirya ng Cool Smashers na mabawi ang solo lead laban sa Farm Fresh sa alas-4 ng hapon.
Tabla sa PetroGazz para sa best record ng liga sa 3-0, ang Creamline ay patuloy sa kanilang magandang laro sa kabila ng pagkawala ng dalawang key anchors sa kanilang dynastic rule sa katauhan nina Jia de Guzman at Ced Domingo.
“The opportunity to play is very important. ‘Yung mga bench players namin, talagang pang-first six din,” sabi ni Cool Smashers coach Sherwin Meneses sa pagbibigay-diib sa lalim ng koponan. “We are now looking at what is best for the team.”
“It’s a good problem for us coaches, but we still have to play consistent to be able to dish out good games,” dagdag pa niya.
Hinahanap pa rin ang kanilang kauna-unahang panalo sa PVL, kailangang ilabas ng Foxies ang kanilang A-game kung nais nilang masilat ang pinakamatagumpay na koponan sa liga.
Umaasa ang Chargers na manatiling nakadikit sa Cool Smashers at Angels.
Gayunman ay dapat mag-ingat ang Akari sa kakayahan ng Cignal na bumawi mula sa pagkatalo sa kanilang paghaharap sa alas-6 ng gabi.
Asam ng Chery Tiggo na maibalik ang kanilang winning ways sa pagharap sa Defenders sa 2 p.m. opener.
Sa pagpapalakas sa middle sa pagkuha kay Fifi Sharma at sa libero department sa presensiya ni Justine Jazareno, kapwa miyembro ng UAAP champion La Salle, ang Chargers ay determinadong isantabi ang kanilang also-ran tag makaraan ang tatlong conference na puno ng kabiguan.
“We had a plan from the very first season. You have to develop some players, bring in other talented individuals, and continue to develop them. You can see the guys coming in still have a lot of room to grow,” wika ni Akari’s Brazilian coach Jorge Souza De Brito.
“Even if I tell you that we aim to stay in the Top Four, we have to fight every single day for that; we work for it. We’re on our way,” dagdag pa niya.
“I’m confident in these guys, and I know it’s only the beginning. It’s a fresh start for us.”