KINUHA ng Farm Fresh si Hideo Suzuki, kilala sa paggiya sa Kurashiki Ablaze sa panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference 2023, bilang team consultant sa darating na 2024 PVL season.
Si coach Suzuki, kilala sa kanyang strategic brilliance at matagumpay na coaching career, ay hindi lamang magiging instrumento sa paglinang sa mga player ng Farm Fresh, kundi gagamitin din ang kanyang expertise upang iangat ang performance ng koponan.
Mahigpit din siyang makikipagtulungan kay head coach Jerry Yee para makapag-ambag sa tagumpay ng Farm Fresh sa PVL.
Ang ilan sa kanyang mga achievement ay kinabibilangan ng paggabay sa Kurashiki Ablaze sa championship victory, pagpapakitq ng kanyang exceptional leadership skills at husay sa player development.
Mainit na winelcome ni Farm Fresh Foxies team manager Kiara Cruz si coach Suzuki sa koponan.
“We are thrilled to have coach Hideo Suzuki join Farm Fresh as Team Consultant. His proven track record and coaching are assets that will undoubtedly elevate the team’s performance. We look forward to a season of growth and success under his guidance.”
Ang Farm Fresh ay tumapos sa 10th place sa 2nd All-Filipino Conference na may 2-9 record.