DAHIL hindi pa pinapayagan ng gobyerno na maipagpatuloy ang pagsasanay, naniniwala ang mga organizer ng Premier Volleyball League (PVL) na ang pinakamaaga nilang posibleng pagbabalik sa aksiyon ay sa susunod na taon.
Ayon kay Ricky Palou, ang presidente ng Sports Vision, sinulatan niya ang Inter-Agency Task Force (IATF) noon pang Hunyo para hilingin ang permiso nito na makapagsimula nang magsanay ulit ang kanilang mga koponan. Magmula nang magkaroon ng COVID-19 outbreak, ang PVL teams ay nagsasanay lamang ‘virtually’.
“Wala pa, naka-pending pa sa IATF,” wika ni Palou. “End of June ko pa ata sinulat ‘yun or sometime then, but hanggang ngayon wala na-man.”
Ayon kay Palou, ang isyu ay hindi collegiate o professional league ang PVL, at walang ahensiya na magmomonitor sa kanila at magtitiyak na ipinatutupad nila ang lahat ng protocols.
Ganito rin ang sitwasyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at ng Philippine Superliga (PSL), bagaman ang PSL ay pinayagan na kamakailan na magdaos ng beach volleyball tournament.
“‘Yun ang problema nila. Sino ang mag-monitor sa inyo, there’s no agency that you’re under,” sabi ni Palou. “So, who’s going to monitor you to see if you’re observing the protocols. Kaya ayaw nilang magbigay muna ng desisyon. Pinag-aaralan pa raw nila,” dagdag pa niya.
492253 307004Outstanding post, I conceive weblog owners need to acquire a whole lot from this blog its very user pleasant. 762023
70741 199852We clean up on completion. This may possibly sound obvious but not a lot of a plumber in Sydney does. We wear uniforms and always treat your home or workplace with respect. 606749