PVL: TITAN NA SI FERRER

PORMAL na winelcome ng Choco Mucho Flying Titans nitong Lunes si veteran setter Jem Ferrer sa koponan.

Si Ferrer ay dating naglaro para sa Perlas Spikers, kung saan nagsilbi siyang team captain. Tumapos ang Perlas sa ika-9 na puwesto sa 10 koponan na sumabak sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kamakailan, na may isang panalo sa siyam na laro.

Si Ferrer ay umanlb sa Choco Mucho team na umabot sa semifinals ng PVL Open Conference, at yumuko sa eventual champions Chery Tiggo sa serye.

Muli niyang makakasama  sa koponan si dating Ateneo de Manila University teammate Denden Lazaro-Revilla, gayundin ang iba pang dating Lady Eagles, kabilang sina setters Deanna Wong at Jamie Lavitoria, middle blockers Bea de Leon at Maddie Madayag, at wing spiker Ponggay Gaston.

Inaasahan ni Choco Mucho coach Oliver Almadro na magiging malaking tulong si Ferrer sa koponan sa kanilang kampanya sa susunod na season.

“(Jem is an) added veteran in the team (who) will really help us be more mature in future games, especially in tight situations,” sabi ni Almadro.

Target ng PVL na buksan ang bagong season nito sa first quarter ng 2022.