PVL: TOP 3 SPOTS SESELYUHAN NG CREAMLINE, PLDT, CHERY TIGGO

Standings W L
Pool A
Creamline 3 1
PLDT 3 1
Chery Tiggo 3 1
Farm Fresh 2 2
Nxled 1 3
Galeries Tower 0 4

Pool B
Akari 5 0
Cignal 4 1
Capital1 3 2
PetroGazz 2 3
Choco Mucho 1 4
ZUS Coffee 0 5

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
1 p.m. – Farm Fresh
vs PLDT
3 p.m. – Creamline
vs Nxled
5 p.m. – Galeries Tower vs Chery Tiggo

PATATATAGIN ng Creamline, PLDT, at Chery Tiggo ang kanilang posisyon sa top three ng Pool A, habang sisikapin ng Farm Fresh na makapasok sa elite circle sa pamamagitan ng backdoor sa pagtatapos ng first round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference preliminaries concludes ngayong Huwebes sa Philsports Arena.

Determinado ang High Speed Hitters na makabawi mula sa five-set loss sa Crossovers noong nakaraang weekend, na pumutol sa kanilang three-match winning streak at binigo ang sweep bid ni coach Rald Ricafort.

Gayunman, haharapin ng PLDT sa ala-1 ng hapon ang Farm Fresh team na magtatangka sa straight-set victory at sa potential spot sa top three.

Ang Foxies ay may 2-2 record, isang laro sa likod ng joint first placers Cool Smashers, High Speed Hitters at Crossovers, na pawang may 3-1 marka.

Ngunit para maipuwersa ng Foxies ang pagtatabla para sa top three, kailangan nilang manalo sa tatlong sets at umasang matalo ang Crossovers sa Galeries Tower, sa tatlong sets din, sa kanilang 5 p.m. encounter. Ang parehong koponan ay magtatapos na may 3-2 kartada at magkatulad na 8 points, kung saan ang pagtatabla at babasagin ng points ratio.

Ang top three teams ay haharap sa bottom three ss Pool B sa crossover round simula sa Sabado.
Ang Creamline at PLDT, may 10 at 9 points, ayon sa pagkakasunod, ay nakasisiguro na sa top three spots kahit matalo sila sa kani-kanilang laro.

“PLDT is a very good team both on offense and defense, so we need to perfectly execute our Japanese system and focus more on our defense,” sabi ni Farm Fresh coach Shota Sato sa pamamagitan ng isang interpreter.

Matapos matalo sa kanilang unang dalawang laro, ang Farm Fresh ay nanalo kontra Galeries Tower at Nxled upang manatili sa kontensiyon para sa top three sa Pool A.

Target naman ng Cool Smashers na mahila ang kanilang winning streak sa apat matapos ang five-set conference opening defeat sa High Speed Hitters sa pagsagupa sa Chameleons sa alas-3 ng hapon.