PVL: TUBINO SA PLDT

PVL

PINALAKAS ng PLDT ang kanilang lineup sa pagkuha kay veteran open hitter Royse Tubino para sa nalalapit na PVL Invitational Conference sa susunod na buwan.

A“More fire. More power. Just what we needed,” pahayag ng PLDT sa kanilang Facebook post. “Veteran outside hitter Royse Tubino joins the High Speed Hitters for the upcoming PVL Invitational Conference!”

Ang dating NCAA MVP ay galing sa threeyear stint sa Army Lady Troopers, na hindi pa napuputol ang 21-game losing streak magmula pa sa Invitational Conference noong nakaraang taon. Subalit sa mgakabiguang ito ay isa si Tubino sa mga nagbigay ng liwanag sa koponan, pinangunahan ang koponan sa scoring kung saan nangulelat sila sa All-Filipino Conference.

Sa PLDT ay makakasama ng dating University of Perpetual Help System DALTA standout sina Michelle Morente, Mean Mendrez, Erika Santos, Jules Samonte, Fiola Ceballos, at Jovie Prado.

Ang PLDT ay tumapos na fourth sa huling conference, yumuko sa F2 Logistics sa kanilang bakbakan para sa third place.