PWD TANYAG SA HANDMADE ANAHAW FAN

SA isang liblib na pook sa puso ng Barangay San Isidro sa bayan ng San Jacinto, naninirahang isang kahanga-hangang taong kayang makipagsayaw sa indak ng buhay sa kanila ng kanyang kapansanan.

Siya si Salvador Deonila, isang person with disabilities (PWD), na sa kanila ng kanyang kapansanan, ay nakagawa ng parang magningning sa karamihan. Ipinamalas niya ang kanyang kakayahan, at ipinagmalali ang kanyang husay sa sining ng paggawa ng KABKAB (Pamaypay) gamit ang mga dahon ng anahaw.

Ang proseso ng paglikha ng pamaypay ay hindi lamang isang kasanayan kay Salvador. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag ng sarili at isang paraan ng paglampas sa mga pisikal na limitasyon.

Sa bawat tiklop at baluktot ng dahon ng anahaw, ipinakikita ang pagkamalikhain at katatagan nali Salvador, patunay na walang hanggan ang sining, at kayang lampasan ng determinasyon ang anumang balakid gaano man ito kasidhi.
Salvador. Tulad ng kahulugan ng kanyang pangalan, siya ay isang ‘savior’ o tagapagligtas. Inspirasyon siya hindi lamang sa mga katulad niyang may kapansanan, kundi sa iba pang nawawalan na ng pag-asa sa buhay.

Kung ang isang PWD na katulad niya ay kayang umangat sa buhay, hamak pa ba ang ibang Wala namang kapansanan?

Nasasaksihan ng lahat ang kakayahan ng mga kamay ni Salvador na lumikha ng mahika gamit ang mga dahon ng anahaw. Paalala ito sa ating lahat na ang tunay na sining ay walang hangganan.

Ang kanyang hilig, katatagan at dedikasyon sa pagpapanatili ng pamana ng paglikha ng handmade kabkab ay nag-aalok ng isang bagong pag-asa at inspirasyon sa lahat ng makakakita ng kanyang trabaho.
RUBEN FUENTES