PWDs BIGYAN NG TRABAHO SA GOBYERNO, PRIBADONG SEKTOR

Senator Sonny Angara-4

NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa mga tanggapan ng gobyerno, gayundin sa mga pribadong sektor na bigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa kani-kanilang tanggapan ang mga Filipinong may kapansanan (PWDs) na may kakayahang maghanapbuhay.

Paalala ng senador, ang nilalaman ng Republic Act 10524 o ang Act Expanding the Positions Reserved for PWDs na nag-aatas sa mga tanggapan ng gobyerno na maglaan ng kahit isang porsiyentong puwesto sa PWDs mula sa kabuuang bilang ng mga po-sisyon sa kanilang tanggapan.

Ganitong kautusan din ang isinasaad ng batas para sa mga pribadong korporasyon may mahigit 100 empleyado.

Nakapaloob sa batas, ang mga karagdagang pribilehiyo at insentibo para sa PWDs kasama na rito ang paggalang sa kanilang pagkatao at mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pang-aalipusta sa kanilang kalagayan.

Napag-alaman na noong 2017, sa datos ng National Council on Disability Affairs (NCDA), nananatiling maliit ang bilang ng PWDs na nakakukuha ng trabaho sa gobyerno. Nang taong iyon, higit 7,000 PWDs lamang ang nakapasok sa government posi-tions kung saan 3,973 ay mula sa kalalakihan at 3,277 ay mula sa mga kababaihan.

Sa kasalukuyan, base sa estadistika ng pamahalaan, umaabot na sa mahigit 2 mil­yon ang PWDs sa bansa.

Ani Angara, hindi dapat maging hadlang sa mga may kapansanan ang kanilang sitwasyon upang mamu-hay nang maayos at makapagtrabaho kung kaya rin lamang naman ng kanilang katawan.              VICKY CERVALES

Comments are closed.