BAHAGYANG mas mahina ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa first quarter ng taon kumpara sa naunang iniulat dahil sa mga rebisyon sa ilang sektor, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang first quarter economic growth ay ibinaba sa 8.2% mula sa naunang iniulat na 8.3%, kumpara sa 7.8% sa fourth quarter ng 2021, at sa -3.8% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang major contributors sa pagbaba ay ang real estate and ownership of dwellings sa 5.9% mula 7.9%; manufacturing sa 9.8% mula 10.1%; at wholesale and retail trade sa 7.0% mula 7.3%.
Samantala, itinaas ng PSA ang net primary income (NPI) sa 105.4% mula 103.2%, habang ibinaba ang gross national income sa 10.6% mula 10.6%.
“The Philippine Statistics Authority (PSA) revises the GDP estimates based on an approved revision policy which is consistent with international standard practices on national accounts revisions,” pahayag ng ahensiya sa isang statement.
Nakatakdang ilabas ng PSA ang growth figures para sa second quarter ng taon ngayong Martes, Agosto 9.