BINABAAN ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang GDP growth forecast nito sa first quarter ng taon dahil sa mas mababang pagtataya para sa pangunahing economic sectors.
Ayon sa PSA, ang GDP ng bansa ay mas mabagal sa 6.6 percent sa January to March period kaysa 6.8 percent na iniulat nito noong Mayo.
“Major contributors to the downward revision were Other Services, Manufacturing, and Agriculture and Forestry,” wika ng PSA.
Sa datos ng PSA, ang Other Services ay lumago lamang ng 6.9 percent sa first quarter, mas mababa ng 1.9 percentage point sa naunang pagtaya na 8.8 percent.
Ayon sa PSA, ang Agriculture and Forestry, gayundin ang Construction, ay nabawasan din ng tig-0.5 percentage points sa 1.9 percent at 8.8 percent, ayon sa pagkakasunod.
Sa naunang pagtaya ng PSA, ang paglago ng Agriculture and Forestry, gayundin ng Construction, ay aabot sa 2.4 percent at 9.3 percent, ayon sa pagkakasunod.
Lumitaw rin sa datos na bumaba ang growth estimate sa Manufacturing ng 0.4 percentage sa 7.6 per-cent mula sa naunang pagtaya na 8 percent.
Bukod dito, ang pagtaya ng PSA para sa Gross National Income (GNI) at Net Primary Income (NPI) mula sa Rest of the World (ROW) ay ibinaba sa 6.3 percent at 5 percent mula sa 6.4 percent at 4.3 percent, ayon sa pagkakasunod.
“The PSA revises the GDP estimates based on an approved revision policy (PSA Board Resolution No. 1, Series of 2017-053) which is consistent with international standard practices on national accounts revisions,” sabi pa ng PSA.
Nakatakdang ipalabas ng PSA ang official GDP growth estimates nito para sa second quarter ngayong araw. CAI ORDINARIO
Comments are closed.