QC ASST. PROSECUTOR NADALE NG ‘BASAG KOTSE’

BINASAG ng mga hindi pa nakilalang mga mi­yembro ng ‘Basag Kotse’ ang nakaparadang sasakyang Pajero na pag-aari ng isang prosecutor ng Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Solivan Lunes Usman, 47-anyos, may asawa, Quezon City Assistant City Prosecutor, tubong Cavite City at residente ng No.2 Sta. Ines street Barangay Krus na Ligas, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni Cpl. Angel Pascasio ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-9:30 ng gabi nitong Sabado nang maganap ang insidente sa parking lot sa No.12 Visayas Avenue, Barangay Vasra, sa lungsod.

Ayon sa prosecutor, ipinarada niya ang kaniyang kulay itim na Mitsubishi Pajero na may plakang TII-199 at pumasok siya sa NOMIXX Restobar. Makalipas lamang ang ilang minuto ay bumalik agad Ito sa kaniyang sasakyan at laking gulat nang makitang basag na ang driver side rear window ng Pajero.

Nalimas sa loob ng sasakyan ng prosecutor kung saan nakuha ang black bag na naglalaman ng (1) Taurus 9mm na may serial no. TUL 20816 na nagkakalahaga ng P30k; grey bag na may MSI Laptop na nagkakahalaga ng P25k; cash na umaabot sa P30k, wallet na may IDs at ATM cards at (1) black bag na naglalaman ng office records.

Nagsasagawa pa masusing ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga miyembro ng ‘Basag Kotse’ na posibleng nagsasagawa ng kanilang iligal na aktibidades sa pa­ligid lamang ng nasabing lugar. EVELYN GARCIA

4 thoughts on “QC ASST. PROSECUTOR NADALE NG ‘BASAG KOTSE’”

Comments are closed.