QC BUMILI NG MGA GAMOT AT BAKUNA SA GITNA NG PAGKAMATAY NG 6 BATA SA PERTUSSIS

INANUNSIYO  ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bumili ang pamahalaang lungsod ng P13 milyong halaga ng mga bakuna at gamot para sa Pertussis sa gitna ng pagkamatay ng anim na bata sa siyudad kamakailan dahil sa sakit na ito.

Sa rekord ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveilance Division hanggang April 5 nakapagtala ito ng 41 na kaso ng Pertussis sa siyudad kabilang ang anim na batang nasawi dahil sa naturang karamdaman.

Ayon kay Belmonte, 60 porsiyento ng 21 kaso ng Pertussis dito ay mga sanggol na wala pang anim na taong gulang.

Ang ilan sa tinamaan ng sakit ay mga batang 22 araw pa lamamg naipapanganak hanggang mga kabataang nagkakaedad ng hanggang 13 taong gulang at may median na edad na tatlong buwan.

Umaabot sa 3,500 ang vials ng 6-in-1 vaccines, at.mga bote ng mga antibiotics na 1,012 na Azithromycin at 1,000 na Clarithromycin ang nabili.

Ang mga vaccine ay ibibigay sa mga batang may edad na anim na linggo pataas na hindi pa nababakunahan kontra sa Pertussis.

“We have approved the purchase of needed vaccines and antibiotics so we can immediately provide the required medical attention to current cases and protect our QCitizens from.further spread.We are planning to purchase more should the need arise,given that the national government has limited supplies of the vaccines,” sabi ni Belmonte.

Bukod sa Pertussis, ang naturang 6-in-1 vaccines ay magbibigay ng proteksyon sa mga bata laban sa diptheria, tetanus, polio, haemophilus, influenza at Hepatitis.

Dagdag pa niya na ang Azithromycin at Clarithromycin ay mga antibiotics na ibinibigay sa mga Pertussis-positive patients.

Agarang ipinag-utos ni Belmonte ang pagsasagawa ng hakbang upang mapigil ang pagkalat ng naturang nakakahawa at nakamamatay na sakit na Pertussis na tinagurian ding “whooping cough”.

Ang naturang sakit ay dulot ng bacterium bortedella Pertussis na maaaring maisalin ng “person-to-person” sa pmamagitan ng droplets o contacts sa airborne droplets at exposure sa infected o contaminated na damit, utensils, mga gamit sa bahay at iba pa. L MACABUHAY-GARCIA