SUMOBRA na sa bilang ng bed capacity ang mga pasyenteng dinala sa Quezon City General Hospital (QCGH) na tinamaan ng COVID-19.
Ito ang ipinarating ng pamunuan ng ospital sa Quezon City Health Department dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawaan ng virus sa loob ng nakalipas na dalawang linggo.
Base sa inisyal na ulat, nasa 111% na puno ang bed capacity ang ICU o intensive care unit nito habang 107% naman ang COVID-19 ward ng naturang ospital.
Kung tutuusin, overflowing na umano ang bilang ng mga nahahawaan ng virus sa QCGH kung kayat kinailangan nilang ilipat sa ibang pagamutan ang mga dinadalang pasyente doon.
Halos wala na rin umanong pahinga ang kanilang mga health care workers para lamang tulungan ang mga pasyenteng tinamaan ng virus.
Nabatid sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nasa 29 na mga ospital sa NCR ang nasa 85% o higit pa ang mga pasyenteng dinala sa kanila.
Umakyat naman sa 30 ang mga ospital sa Metro Manila ang nasa high risk base sa huling monitoring ng DOH noong March 18.
Habang 67.68% naman o katumbas ng 511 out of 755 na mga ICU beds o intensive care unit sa NCR ang okupado na rin ng covid-19 patient.
Umabot na rin sa 2,677 out of 4,406 na mga isolation beds sa Metro Manila ang okupado na ng mga pasyente.
Sabi ng Philippine Hospital Association of the Philippines, mayroon pa silang natitirang mga kama ngunit problema na ang mga health care workers na mag-aalaga sa mga pasyente.
Kaya apela nila sa pamahalaan, tulungan silang magdagdag ng mga health workers na siyang mag-aalaga sa mga bagong pasyente na isusugod sa ospital.
Nangangamba naman ang Philippine Nurses Association na lalong kulangin ang bilang ng mga health workers sakaling magpatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng virus. EVELYN GARCIA
369401 209279Aw, this was a actually good post. In concept I wish to put in writing like this furthermore – taking time and actual effort to make an outstanding article nonetheless what can I say I procrastinate alot and not at all appear to get something done. 833043
690822 997120Your post is truly informative. Much more than that, it??s engaging, compelling and well-written. I would desire to see even a lot more of these types of excellent writing. 55854