MAGTUTULUNGAN na ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist at ang Quezon City government upang mapabilis pa ang vaccination drive sa lungsod.
Lumagda kahapon sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang ACT-CIS Partylist sa pangunguna ng magkapatid na radio broadcasters na sina Raffy at Erwin Tulfo, ng Memorandum of Agreement (MOA) hinggil dito, sa isang seremonya na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Timog Avenue, QC.
Tiniyak ng ACT-CIS na sila ay committed para tumulong sa vaccination program ng Quezon City, sa pamamagitan nang pagbibigay ng medical teams sa mga vaccination centers.
Ikinatuwa naman ni Mayor Belmonte ang hakbang ng ACT-CIS at Tulfo brothers na makiisa sa “Bayanihan sa Turukan” ng lungsod.
“Since last year, we have received a myriad of support from different organizations and have established the whole-of-city approach in addressing the COVID-19 pandemic. The doctors and nurses from ACT-CIS will greatly support four of our sites, and accommodate more QCitizens in the process,” ayon kay Mayor Belmonte.
“Ito po ay aming kontribusyon sa hangarin ng ating pamahalaan na mabakunahan ang lahat sa lalong madaling panahon. Kailangan po tayong magtulong-tulong. Hindi natin matatalo ang virus kung hindi natin susuportahan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan,” ayon naman kay Erwin, na siyang chairman ng ACT-CIS.
Nabatid na pinahahalagahan ng city government ang inisyal na suporta mula sa ACT-CIS party list dahil malaking tulong ito sa pagpapabilis ng kanilang pagbabakuna, at makapagbibigay rin ng mabilis at episyenteng serbisyo sa mga residente.
Tiniyak rin naman ng ACT-CIS Partylist na maghahanap pa sila ng iba pang pamamaraan upang masuportahan pa lalo ang inoculation process ng city government.
Nabatid na hanggang nitong Mayo 19, nakapag-administer na ang city government ng kabuuang 272,046 doses sa mga residente ng QC at mga manggagawa, kabilang dito ang 204,394 para sa unang dose at 67, 652 para sa second dose.
Kamakailan lamang ay nagbukas na rin ng drive-thru vaccination site ang local government sa pakikipagtuwang sa SM City Malls sa SM Fairview.
Ang naturang site ay kayang mag-accommodate ng A1 hanggang A3 priority groups na nakapagrehistro sa programa, sa pamamagitan ng barangay’s assisted-booking scheme.
May iba’t ibang sites na rin ang binuksan sa lungsod, sa pakikipagtulungan naman sa pribadong sektor, upang makatulong sa layunin ng lokal na pamahalaan na makamit ang herd immunity sa loob ng 6-8 buwan, sa pamamagitan nang pagbabakuna sa may 1.6 milyong indibidwal.
784534 669811Some truly nice and beneficial info on this site, likewise I conceive the style holds excellent attributes. 798610
216571 502742You produced some decent points there. I looked online towards the issue and discovered many people is going in addition to using your site. 424146