PASOK sa tutugunan ng Helpline 122 ng Quezon City ang psychosocial support at crisis intervention upang mapangalagaan din ang mental health ng mga residente ng siyudad,ayon sa Quezon.
“May mga pagkakataon na hindi na natin kinakaya ang mga suliranin at isipin na kinakaharap natin sa buhay kaya minsan, kailangan natin ng makakausap. Ang ating responders na maabot sa pamamagitan ng Hotline 122 ay handang makinig at umalalay sa inyo, hanggang sa gumaan at maging mabuti ang inyong pakiramdam,” ang sabi ni Mayor Joy Belmonte said.
Ang anunsyo at pagsisimula ng serbisyong ito ay itinaon anya ng Quezon City govermment sa selebrasYon ng National Mental Health.
Paliwanag ni Belmonte ,kahit siumang mamamayan ng siyudad ng nakakaranas ng mental health concerns at gustong humingi ng tulong ay maaaring tumawag at makipag usap sa.mga trained professionals sa naturang helplines.
Ang naturang crisis responders are trained umano ng National Center for Mental Health (NCMH) sa suicide at crisis management. Sila umano ay may kasamang health workers na sumailalim sa training ng Mental Health and Psychosocial Support and Psychological First Aid, ang nakasaad sa naturang statement.
Tatlong set ng teams ay nakaduty araw araw everyday uoang makatiyak na ang mga tumatawag mabibigyan ng tamang tulong at intervention sa panahon ng krisis
Umabot din anya sa 370 na opisyal at mga kagawad ng barangay ang natraining ng Quezon City Health Department upang tumulong sa psychological first aid at proseso ng pagtulong upang malagpasan ng mga in distress na residente ng siyudad ang nararanasang trauma,sabi ni Belmonte.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA