Kamakailang inaprubahan ang 2021 budget ng Lungsod Quezon kung saan muling sinuri at itinigil ang mga proyektong napag-alamang hindi umuusad o ma-anomalya, upang mabigyang pansin ang mga mas kinakailangang proyekto, lalo na sa social ameloriation or ayuda.
Ang paglilitis ng mga proyektong kinansela ay ginawa ng City Engineering Department, City Legal Department, and Internal Audit Service (IAS) ng Lungsod, ayon sa pag-uutos ni Quezon City (QC) Mayor Joy Belmonte.
“Noong 2019 pa natatag ang Internal Audit Service upang masiguradong ang pondo ng lungsod ay napupunta sa mga tamang proyekto,” sabi ni Belmonte. “Nag-adjust ang IAS noong nangyari ang COVID-19 pandemic, at lalong binusisi ang mga kontrata at proyektong hindi naman priority upang makalakap ng dagdag pondo para maibsan ang mga problemang dinala ng pandemya,” kanyang idinagdag.
Mahigit 40 na proyekto ang nirekomendang ikansela, kasama rito ang Phase II at Phase III ng pagbubuo ng Quezon City Convention Center na simulan noong nakaraang administrasyon. Napagalamang hindi alinsunod sa tamang proseso ang pag apruba ng proyekto. Ito ay na-approve kahit na masasabing “imposible” na matapos ang proyekto sa loob ng 180 an araw simula noong masimulan ito noong March 1, 2019. Ang proyekto ay dapat natapos na noong August 27, 2019.
Matapos mapagkaloob ang proyekto, humingi ng maraming extension ang contractor at pinangakong matatapos ito ng Pebrero 17, 2020, at sinisingil pa ang Lungsod ng karagdagang PhP 35 milyon upang mahabol ang “cost of delay”. Ngunit, kahit nabigyan na ng palugit, hindi pa rin natapos ang proyekto sa takdang panahon.
Sa kasalukuyan, mababa pa sa 75% ang completion rate ng Phase II ng proyekto habang hindi pa nasisimulan ang Phase III, kaya minabuti na ring kanselahin ito, ayon sa Office of the City Attorney ng QC.
Naglaan ang Quezon City ng PhP 28.7 bilyon para sa 2021, at halos kalahati nito ay mapupunta sa social welfare and services, o sa mga programang pagtulong sa mga nangangailangang at pangkabuhayan.
“Ang budget allocation na ito ay tapat sa layunin ng lungsod na bigyang importansiya ang pagbigay ng ayuda at kabuhayan sa mga QCitizen. Kasama rin dito ang pagbibigay ng nararapat at tamang pasuweldo sa ating mga healthcare workers, at sa pagpapbuti pa ng ating mga pasilidad pangkalusugan,” sabi ni Belmonte.
Comments are closed.