TULOY-TULOY ang suporta ni Vice President Leni Robredo sa mga lokal na pamahalaan—at ngayo’y dala ang tulong sa pagbabakuna sa Quezon City.
Ang Vaccine Express – Quezon City, isang pagtutulungan ng OVP at ng Quezon City government, ay isang bakuna drive-thru initiative na bukas para sa mga driver ng jeepney at tricycle, gayundin sa delivery riders.
“Alam naman natin na sa mga drivers, every day na hindi sila makakatrabaho, iyong pamilya nila hindi makakakain… So nakikita natin na bawat oras na nagtatrabaho sila, napakahalaga para sa pagbuhay ng pamilya nila. So kailangan talaga silang proteksyunan,” ani Robredo.
Bahagi ito ng mga pagkilos ng tanggapan ng Bise Presidente upang matulungan ang mga LGU na gawing mas mabilis at maayos ang proseso ng pagbabakuna sa kani-kanilang lugar. Naisagawa na ito sa Manila at sa mga siyudad ng Naga at Iriga sa Camarines Sur.
Personal na bumisita sa Vaccine Express QC site sa Robinsons Novaliches sina VP Leni at si Mayor Joy Belmonte nitong Huwebes ng umaga. Bukod sa pagkumusta sa mga driver at delivery riders, nakapag-ikot rin ang dalawang opisyal upang magpasalamat sa mga doktor, nurses, at medical students na nag-volunteer.
Lubos ang pasasalamat ni Belmonte sa inisiyatibong ito ni Robredo.
“Napakasuwerte lang po ng lungsod ko na nabilang po kami sa mga naging beneficiaries po ng Office of the Vice President,” wika ni Belmonte. “Marami ditong malalaking parking lots at open spaces na puwede pang gawan ng Vaccine Express. Kaya siguro makikiusap na lang tayo—pag-apela sa atin pong Pangalawang Pangulo na kung gusto pa nila, welcome na welcome sila dito sa Quezon City dahil napakarami po nating mamamayan na nangangailangan pang magpabakuna.”
Bukas naman si Robredo sa patuloy na pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.
672187 409465Great article. I appreciate your attention to this subject and I learned a whole lot 612668
926552 391801I besides believe therefore , perfectly composed post! . 784342