SA 2021 ranking ng cities and municipalities sa bansa, bumandera ang Quezon City sa hanay ng mga pinakamaunlad na siyudad, batay sa kabuuan ng kanilang marka sa apat na kategorya — Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastracturre at Resiliency.
Ang provincial ranking ay ibinatay naman sa population at income weight average ng pangkalahatang marka.
Sa top 10 highly urbanized cities ay nanguna ang Quezon City na nakapagtala ng 59.31%, sumunod ang Manila na may 58.83%, Pasay City na may 52.80%; Davao City, 52.75%; at Muntinlupa na may 48.00%.
Pang-anim ang Makati na may 46.71%; Cagayan De Oro, 45.76%; Valenzuela City, 42.10%; Pasig City, 41.48%; at Cebu City na nakapagtala ng 40.52%.
Nangunguna naman sa provincial category ang Rizal na may 45.75%, sumusunod ang Davao – 44.98%; Camigin – 42.30%; Laguna – 39.70%; Cavitre – 38.96%; South Cotabato – 37.17%; Pampanga – 36.93; La Union – 36.39; Batangas — 6.34; at pang-10 ang Bulacan.
Noong 2019 at 2020 ay nagpalitan lamang sa pangunguna sa kategorya ng kaunlaran ang Makati City at Davao City, subalit sa pagtatapos ng taong 2021 ay kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa ranking at maging sa tax collections ng cities and municipalities, indikasyon na mayroong mga siyudad at munisipalidad na umuunlad at mayroon din namang bumabagal ang takbo ng ekonomiya at kalakaran.
Noong nakaraang taon ay lumitaw sa report ng Commission on Audit (COA) ang pangunguna sa infrastructure ng Davao City. Ang mabilis na pag-unlad ng Davao City, ayon sa COA report, ay bunsod na rin ng maigting na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng anak nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na paunlarin ang kanilang nasasakupan.
Si Sara ay kumakandidatong bise presidente para sa May 9, 2022 national elections.
Nasa ika-8 puwesto sa ‘wealthiest cities’ noong 2020 sa talaan ng COA ang Davao City.
Nangunguna naman sa talaang 2020 ang Quezon Ciy na may assets na P59.556 billion, sumunod ang Makati City – P54.85 billion; Manila – P36.102 billion; Cebu City – P32.623 billion; Pasig City – P29.899 bilyon; Taguig City – P16.268 bilyon; Pasay City – P14.954 bilyon; Caloocan City – P14.702 bilyon; Davao City – P9.899 bilyon; at Iligan City – P9.897 bilyon.
Ang top 10 wealthiest provinces, ayon sa COA report, ay ang Cebu, P32.429 bilyon; Rizal, P11.73 bilyon; Negros Occidental, P11.042 bilyon; Batangas, P9.979 bilyon; Bulacan, P8.964 bilyon; Palawan, P8.199 bilyon; Iloilo, P8.144 bilyon; Laguna, P7.556 bilyon; Nueva Ecija, P7.227 bilyon; at Leyte, P7.03 bilyon.
Ang iba pang newcomers na kabilang sa wealthiest cities and provinces noong 2020 ay ang Claver, Surigao Del Norte; Polomok, South Cotabato; General Trias at Silang, Cavite na nakitaan ng mabilis na pag-unlad sa kanilang nasasakupan.
Ang mga kabilang naman sa top 10 component cities nitong 2021 ay ang Naga – 53.02%; Antipolo – 52.73R%; Tagum – 52.60%; Dasmarinas – 48.94%; Legazpi – 46.92%; San Fernando – 45.63%; Batangas – 45.43%; Imus – 44.29%; Binan – 42.20%; at Calapan – 43.96%.
Ang statistics ay ipinalabas upang mahikayat ang mga lungsod at bayan na bumagsak sa larangan ng imprastraktura na bumangon at muling pasiglahin ang kanilang mga nasasakupan.
Ang ganitong istatistika ay ipinalalabas ng gobyerno para magsumikap nang husto ang mga lider ng local government units na seryosohin ang kanilang obligasyon sa mamamayan para umunlad ang kani-kanilang lugar o area of responsibilities.
vvv
(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].)