LIBONG mag-aaral ng Quezon City ang nakinabang sa Balik-Eskuwela program ng Aliw Broadcasting kahapon kung saan namahagi ang DWIZ broadcasting ng school supplies at pagkain sa pangunguna ni Jun Del Rosario, news director ng Todo Lakas na himpilang radyo.
Ayon kay Del Rosario, ang nasabing outreach program ay ginagawa taon-taon para tulungan ang mga lalo nasa Payatas C El-ementary School.
“Nakikita naman natin na talagang nangangailangan ang mahihirap at mga kababayan at nangangailangan ng ganitong pro-grama,” bahagi ng speech ni Del Rosario.
Ang nabiyayaang mga estudyante ay mula sa ika-4 na baitang na aabot sa 450 na estudyante na mula sa 10 sections.
Ayon pa kay Rosario, mas napili nito na pamahagian ang mga batang taga-Payatas dahil kapos ang mga ito.
Nagkaroon din ng mga palaro sa mga kabataan.
Ang Balik-Eskuwela program ay proyeko ng Aliw Media Group na kinabibilangan ng DWIZ 882 AM band, Home Radio 97.9 FM, BussinesMirror, CNN Philippines at ng PILIPINO Mirror.
“Taon-taon ay mayroon tayong iba’t ibang programa tulad ng medical mission medical program, dental Mission, brgy. caravan na nagbibigay tayo ng lecture sa mga barangay official, at ang programa sa Responsible Citizen Journalism at Skul Kampus Caravan. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.