QC UNANG NAGDEKLARA NG #WalangPasok

mayor-herbert-bautista

DAHIL sa malawakang pagbaha na sinapit ng Quezon City, idineklara ni Mayor Herbert Bautista na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa nasabing lungsod.

Nangangahulugan na long vacation muli ang mga mag-aaral sa nasabing lungsod kasunod ng opisyal na class opening noong isang linggo, ­Hunyo 4.

Bukas, Hunyo 12, ay wala muling pasok bilang pagdiriwang sa Araw ng Kasarinlan.

Ang anunsiyo ay pa­sado ala-6 ng gabi habang inaasahan din na magsusunuran ang mga lugar na binaha dahil sa pag-ulan dulot ng kalalabas lang na bagyong Domeng.

Sumunod namang nag-anunsiyo na walang pasok ang Malabon City.

Kahapon ay hindi rin sumilip ang araw at nagpatuloy ang pag-ulan bagaman nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, napalakas naman nito ang Habagat na sanhi ng pag-ulan.

Dahil dito, inaasahang susunod din ang ilang lungsod sa Metro Manila para magdeklara ng class suspension.

Magugunitang batay sa tweet ng public information office, nakasaad ang “No  classes in Que­zon City for all levels on Monday, June 11, cancellation of work in public and private  depends on administrator”.

Samantala, sa Hunyo 15 ay wala ring pasok sa paaralan at trabaho dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.   EUNICE C.

Comments are closed.